Kabanata 14

2.8K 118 21
                                    

NAGTATAKA si Sophia kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas si Stefan sa loob ng office nito. Nakapagdinner na silang lahat kasama sina Jacille at Dominic pero nagbilin si Stefan sa katulong na si Mona na mamaya na raw ito kakain.

Alas-diyes na ng gabi ngunit hindi pa rin bumababa si Stefan mula sa office upang kumain. Nag-aalala na siya rito dahil noong bata pa lamang siya ay ito palagi ang nagpapaalala sa kanya na huwag magpalipas ng gutom dahil masama ito sa kalusugan. Ito rin naman pala ang magpapasaway at hindi sinusunod ang bilin noon.

Nagdesisyon si Sophia na puntahan si Stefan sa office nito. Kumatok siya ng dalawang beses sa pintuan at kaagad rin siyang pinagbuksan.

Tumambad sa kanya si Stefan na suot ang hapit na itim na t-shirt at may eyeglasses na suot. Nilingon niya ang nasa likod nito at nakabukas doon ang laptop at computer.

Para siyang nanghihina sa klase ng tingin nito sa kanya. Mariin iyon at malalim. Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago magsalita.

"It's already 10 in the evening at hindi ka pa kumakain. B-Baka magka-ulcer ka nang dahil sa pagpapalipas mo ng hapunan." aniya at hindi makatingin nang diretso.

"May mga tinatapos pa 'ko. Kakain din ako mamaya." sagot ni Stefan at niluwagan nito ang pintuan ng office upang papasukin siya sa loob.

Pumasok si Sophia at namangha siya sa laki nito, malinis din at puro puti at itim lang ang nakikita niyang motif ng office. Bagay na bagay iyon sa seryoso at misteryosong si Stefan.

"Bakit hindi ka na lang nagpadala kay Mona ng pagkain dito kung gano'n?" tanong niya at humalukipkip.

"Nakalimutan ko na rin dahil sa sobrang pagkaabala ako. Don't worry about me." sabi ni Stefan at inayos ang suot na eyeglasses.

Pinigilan ni Sophia na huwag masyadong amuyin si Stefan. Hindi niya alam kung ano ang klase ng pabango na gamit nito ngunit nanunuot iyon sa ilong niya. Idagdag pang nakikita ang laki ng muscles at mga tattoo nito sa braso, maging pati na rin ang abs dahil sa hapit na t-shirt. Nakatali ang kulot at itim na mahabang buhok nito at mukhang isang modelo na lumabas sa isang magazine.

Wala talaga siyang makitang pangit na katangian noon pa man kay Stefan. Lahat nang gugustohin ng isang babae sa isang lalaki ay nandito na. Kahit ang mga guro niya noong elementarya pa lamang siya ay may crush sa tatay niya.

Umiling si Sophia. "Let's go downstairs, and you need to eat. Just pause your work and continue it later after you eat." saad niya at hinila na si Stefan mula sa loob ng office.

May naramdaman siyang kuryente na bumalot sa buong katawan niya nang hawakan ang kamay nito pero pinigilan niya ang nararamdaman at pumikit nang mariin.

Nang nasa dining area na sila ay siya na mismo ang nag-asikaso ng kakainin ni Stefan. Ininit niya sa oven ang mga natirang pagkain kaninang dinner. Habang hinahanda niya ang mga pagkain ni Stefan ay ramdam niyang nakatingin lang ito sa kanya.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Si Stefan ang tanging lalaking nakakagawa ng mga bagay na ito sa pakiramdam niya. Alam niya naman ang kasagutan kung bakit; dahil mahal niya ito.

"Kumain ka na," saad ni Sophia matapos ilagay ang kanin at mga ulam na ininit niya, at isang pitsel ng tubig sa lamesa.

"Hindi ka kakain? Samahan mo 'ko," sabi ni Stefan na nagsimula nang magsandok ng kanin at ulam sa plato nito.

"Hindi pa 'ko gutom." sagot ni Sophia at umupo na lang sa upuang katapat ni Stefan.

Tumango si Stefan at nag-umpisa nang kumain. Habang kumakain ito ay nakamasid lang si Sophia at tila bumubuo ng mga katanungan sa isipan kung ano nga ba ang mga nangyari noon kay Stefan simula nang makulong at makalaya ito sa kulungan.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now