Kabanata 7

5.1K 205 35
                                    

Dedicated to: Davil_driex_05

NANG tinawag ang pangalan ni Sophia ng kaniyang guro ay kaagad siyang umakyat sa entablado at kinuha ang diploma. Graduation day niya ngayon bilang estudyante ng elementarya. Sobrang natutuwa ang puso niya dahil honor student pa siya at may mga special awards na natanggap, makikita iyon sa limang medalyang nakasabit sa kaniyang leeg na inilagay ng guro niya.

Nang matapos masabitan ng medalya ay umakyat rin sa entablado sina Stefan at Ali upang makuhanan sila ng litratro ng isang photographer sa paaralan.

"Congratulations, Sophia. Proud na proud kami sa'yo dahil nakapagtapos ka na ng elementarya at honor student pa." saad ni Stefan na marahang hinaplos ang balikat ng anak.

"Salamat, Tatay Stefan. Utang na loob ko sa inyo ni Tatay Ali kung bakit nakapag-aral ako. Magsisikap pa po akong lalo sa pag-aaral ko para kapag lumaki na ako ay magkaroon ako ng trabaho at mabigyan ko kayo ng magandang buhay." sabi ni Sophia at ngumiti sa dalawang ama-amahan.

"Manang-mana ka talaga sa kabutihan ng loob ng Tatay Stefan mo, Sophia. At masaya ako na napalaki ka namin ng maayos." nakangiting sabi ni Ali.

"Sa inyong dalawa po ako nagmana ng kabutihan ng loob, e." ani Sophia na ikinahalakhak ni Ali habang si Stefan ay tinitigan lang ang anak ng may pagkamangha.

Nang sinabi na ng photographer na kukuhanan na sila ng litratro ay nakangiting hawak ni Sophia ang kaniyang diploma at mga medalya samantalang sina Stefan at Ali naman ay inakbayan ang anak at itinutok ang paningin sa camera ng photographer.

Pagkatapos ng graduation ay dumiretso ang tatlo sa isang fast food restaurant upang doon kumain. Sagot lahat ni Ali ang kanilang kakainin dahil may nagbigay ng malaking tip sa kanya sa pinapasukan nilang palengke ni Stefan.

Maraming pina-order na pagkain si Ali at ang iba doon ay iuuwi nila para bigyan rin ang kapitbahay nilang sina Jacille at ang pamilya nito.

"Nakausap ko nga pala 'yong dati mong nobya na si Hilda nang nakasalubong ko siya kahapon sa palengke. Bakit hindi mo na raw sinasagot ang mga text at tawag niya, Ali?" tanong ni Stefan kay Ali habang kumakain silang tatlo.

"Hiwalay na kami ni Hilda, bro. Siya lang 'tong makulit na gustong makipagbalikan sa 'kin pero ayoko na." Bumuntonghininga si Ali at sandaling sinulyapan si Sophia na kumakain ng spaghetti at fries.

Napailing si Stefan. "Sa lahat ng naging nobya mo ay si Hilda lang ang matino at-"

"Mabait rin po si Ate Hilda, Tatay. Binilhan niya ako ng soft drinks at burger nang makita niya 'ko sa tapat ng tindahan nila Aling Rosa." ani Sophia.

Totoo iyon, sa lahat ng naging nobya ni Ali ay si Hilda lang ang tumagal sa kanya at ang tanging babae na kaya siyang intindihan sa lahat ng bagay. Hindi rin ito nagger at selosa kaya tumagal ng halos apat na buwan ang kanilang relasyon. Nakipaghiwalay lang si Ali sa kanya dahil sa bawal nitong nararamdaman, at ang pinakaunang dahilan doon ay walang iba kundi si Sophia.

Gusto ni Ali si Hilda ngunit mas mahal pa rin niya si Sophia. Hindi niya kayang saktan si Hilda dahil matino itong babae at tinatawag rin ng lahat na 'wife material' kung patuloy pa rin siyang makikipagrelasyon dito.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now