Kabanata 23

2.6K 119 14
                                    

"TATAY Ali, tingnan n'yo po, oh? Ang ganda ng suot kong puting dress. Binili sa akin 'to ni Tatay Stefan kahapon sa palengke!" pagmamalaki ni Sophia sa suot na puting dress. Hawak niya ang magkabilang laylayan ng damit at umikot para ibida ito kay Ali.

Kumislap ang pagod na mga mata ni Ali mula sa kalahating araw na pagtatrabaho sa palengke habang pinagmamasdan ang magandang anak. Napapawi ang pagod niya sa tuwing nakikita itong masaya at ngumingiti. 12 years old na rin si Sophia at isang taon na lang ay magiging isang ganap na teenager na ito.

"Napakaganda mo talaga, 'nak at bagay sa'yo 'yang puting dress na suot mo. Saan mo naman nilagay 'yong binili kong manika para sa'yo?" tanong ni Ali na bumangon mula sa pagkakasandal sa sofa. Umupo ito ng tuwid at tinapik ang kandungan upang umupo rito si Sophia.

Lumapit si Sophia kay Ali at umupo sa kandungan nito. "Nasa kuwarto ko po. Kanina ay nilabhan ko po ang dress niya gamit 'yong Safeguard sa loob ng banyo natin, tapos nilagyan ko rin po ng Palmolive shampoo ang buhok niya para mabango at malinis," at bumungisngis ito.

"Mabuti naman at pinapahalagahan mo ang mga binibigay namin sa'yo ng Tatay Stefan mo. Hayaan mo, kapag yumaman tayo, lahat ng gugustohin mong bagay ay bibilhin ko para sa'yo, anak." Pangako ni Ali.

"Kahit po bumili kayo ng malaking bahay para sa ating tatlo? 'Yong may swimming pool po sa loob?" tanong ni Sophia na may excitement sa boses.

"Kahit may playground at malawak na garden pa. Tapos bibili ako ng maraming kotse para marami tayong magagamit na sasakyan kapag magta-travel tayong tatlo ng Tatay Stefan mo." nakangiting sabi ni Ali.

"Talaga po? Wow! Gusto ko po 'yan, Tatay Ali. Puntahan po natin ang buong Luzon, Visayas, at Mindanao tapos sa susunod ay pumunta naman po tayo ng ibang bansa pero... dapat ay bumili rin po kayo ng eroplano." Napanguso si Sophia.

At dahil ang cute nito sa ganoong klaseng ekspresyon ay mahinang pinisil ni Ali ang pisngi ng anak. "Siyempre naman, bibili rin tayo ng jet plane at helicopter para kompleto na, 'di ba?"

"Yehey! Salamat po, Tatay Ali!" masayang ani Sophia at humalik sa pisngi ni Ali na natigilan at tila bumilis ang tibok ng puso.

***

MAKALIPAS ang isang taon...

"Did she already take her medicine, Mona?" tanong ni Stefan pagkapasok sa loob ng kuwarto ni Sophia.

"Yes po, Sir. Kanina ay umiiyak na naman po siyang mag-isa at bigla na lang nagwala. Tinurukan na lang po siya ni Doc Keya ng pampakalma at saka ko po pinainom ng gamot." sagot ni Mona na tiningnan ng naaawa si Sophia.

Tumango si Stefan. "Thank you."

Nag-bow si Mona at pagkatapos ay lumabas na sa loob ng kuwarto ni Sophia.

Lumapit si Stefan sa asawa na nakaupo sa gilid ng kama at hinalikan ang noo nito. Katulad sa nagdaang isang taon ay wala siyang reaksyon na natanggap mula kay Sophia, nakatulala lang ito sa kawalan at walang buhay ang mga mata.

Pinatatag ni Stefan ang sarili at ipinakita ang hawak niyang pulang rosas para kay Sophia. Awtomatikong napukaw niya ang interes nito. Kinuha ni Sophia ang hawak niyang rosas at tinitigan ito.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now