Kabanata 24

2.9K 118 20
                                    

"THE patient are doing well, Mr. Giovinco. Nakakatulong sa kanya na makalanghap ng sariwang hangin sa garden n'yo at nalilibang siya sa mga roses na ipinapakita mo sa kanya," nakangiting saad ni Doc Keya. Ang babaeng Doctor ni Sophia.

"She's also talking a bit and smiling at us, but I've noticed that she's behaving like a child. She recognizes me, but only as her father." sabi naman ni Stefan habang pinagmamasdan si Sophia na nililibang ang sarili sa garden nila na puno ng mga tanim na rosas. Nakaalalay sa likod nito sina Estrelita at Mona.

"Her behavior is a result of the trauma she experienced, but we will continue to enhance our psychodynamic psychotherapy for her para mas mapabilis ang pagrecover niya." saad muli ng Doctor.

"Thank you, Doc." pasasalamat ni Stefan at nakipagkamay sa Doctor.

"You're welcome, Mr. Giovinco. Kung may unusual behavior ulit ang asawa mo ay tawagan n'yo lang ako. Babalik ako dito next week to see her condition." paalala ng Doctor na ikinatango ni Stefan.

Pagkaalis nito ay nilapitan ni Stefan si Sophia at hinalikan sa pisngi. Ngumiti naman si Sophia sa kanya at ipinakita ang mga rosas na hawak nito na kakapitas lang.

"Tatay Stefan, ang ganda ng mga roses na 'to, oh!" masayang sabi ni Sophia.

Ngumiti si Stefan, kinuha ang isang rosas na hawak ng asawa, tinanggal ang nakatutusok na tangkay, at inilagay sa tenga ni Sophia.

"You look even more beautiful when the rose is by your side."

Namula si Sophia at kinagat ang pang-ibabang labi. Sina Estrelita at Mona naman na nanonood ay napapangiti. Itinutulak pa ni Mona ang tiyahin dahil sa kilig na nararamdaman nito sa mag-asawa.

***

"ITO lang ba ang kaya mo? Kanina ang tapang mong sagut-sagutin ako pero nung nilatigo na kita e, tiklop ka naman kaagad!" Tumawa ng malakas ang bagong Mafia boss na si Kidd sa harapan ng kanina pang pinapahirapan na si Ali.

Sa itsura at kalagayan ni Ali ay halos hindi na ito makilala. Puno ng sugat, pasa, at dugo ang buong katawan, namayat, nangingitim ang ilalim ng mga mata, tuluyan nang bumagsak at humina ang katawan.

Ganoon pa man na gusto siyang unti-untiin ni Stefan hanggang sa tuluyan siyang mamatay ay hindi siya makaramdam ng konsensya at awa para rito at kay Sophia. Nasusuklam siya sa dalawa na nagpakasal na pala.

Pakiramdam niya ay para siyang iniputan sa ulo ng mga ito. Hindi niya kayang magbaba ng ego at pride, at balikan ang mga masasayang nakaraan nila na matagal na niyang ibinaon sa limot. Lumaki nga siyang demonyo katulad ng namayapa niyang ama na si Musallah, at hanggang sa tuluyan siyang mamatay ay demonyo pa rin siya.


Kung demonyo si Stefan para pahirapan siya nang ganito ay mas demonyo naman siya.

"Pare-pareho kayong mga duwag! Bakit hindi n'yo na lang ako patayin para matapos na? Sa tingin n'yo ba ay luluha ako ng dugo at magmamakaawa sa inyo para buhayin ako? Sa tingin n'yo ba ay pagsisisihan ko ang ginawa ko sa mahal kong si Sophia? Nararapat lang 'yon sa kanya dahil pinakasalan niya ang traydor, sinungaling, at may mamamatay-tao na mga magulang na si Stefan!" Kahit nanghihina at masakit ang buong katawan ay sinikap pa rin ni Ali na makapagsalita. Ayaw magpatalo mula sa baluktot at maling pinaniniwalaan.

"Dang! I've never seen someone as evil as him in my entire life. He's completely unhinged." Umiling si Louie kina Kidd at Neo.

Natahimik sila nang pumasok mula sa madilim na silid kung nasaan sila si Stefan. Seryoso ang mukha nito habang papalapit sa harapan ni Ali na nakaluhod sa sahig at sumama ang tingin.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now