Kabanata 9

3.6K 187 22
                                    

MADALING araw nang makauwi si Stefan sa kaniyang mansyon. Marami siyang inasikaso sa underground organization na pinamumunuan, at marami na namang nabihag na rebelde ang mga kasamahan niya. Siya ang pinuno at kinatatakutan na Mafia boss sa underground society at hindi siya makapaniwala na balang araw ay magtutuos sila ng isang tao na lubos na pinagkatiwalaan niya at siya rin na nag-aruga kay Sophia simula noong sanggol pa lamang ito.

Walang iba kundi si Ali.

Alam niyang matagal na siyang pinaghahanap ng dating kaibigan at gustong patayin. Magkakaharap rin silang dalawa at handa na siya sa anumang mangyayari sa kanya.

Dahan-dahang pumasok si Stefan sa kuwarto ni Sophia at naabutan niya itong mahimbing na natutulog sa kama. Pinagmasdan niya ang magandang dalaga at umupo sa gilid ng kama nito.

Marami siyang gustong sabihin at ihingi ng tawad pero itinikom niya muna ang bibig dahil hindi pa siya handa para aminin ang lahat. Ramdam niyang may galit sa kanya si Sophia ngunit nagpipigil lamang ito lalo na't pinakasalan niya ito ng agaran.

Kailangan niya si Sophia, gusto niyang makasama muli, at bumawi sa lahat ng pagkukulang niya sa mga nagdaang taon na hindi niya ito nakasama. Wala siyang pakialam kung mahirapan man siya na ibalik ang tiwala nito, ang mahalaga ay kasama na niya ulit ito. Gusto niyang protektahan ang dalaga mula sa mga masasamang tao na nakapaligid rito, kasama na roon ang lihim na sikreto ng totoo nitong pamilya.

Lumaking napakagandang babae si Sophia. Kahit na sinong tuwid na lalaki ay kayang-kaya nitong mabihag kabilang na siya. Malaki man ang agwat ng kanilang edad ay minahal na niya ito bilang isang anak at bilang isang babae na handa niyang pag-alayan ng kaniyang buhay hanggang sa tumanda siya.

Wala siyang bahid ng pagsisisi na pinakasalan ito, at hindi rin siya makakapayag na pakasalan nito si Andres Garcia.

Lumapit si Stefan kay Sophia at marahang hinaplos ang kulay kahel nitong buhok. Naaalala niya ang mga araw na katabi niya ito sa pagtulog noong bata pa lamang ito. Si Sophia lang ang tanging nagbibigay sa kanya ng comfort at kapayapaan mula sa madilim niyang mundo, at simula nang makulong siya at hindi na ito nakasama ay para na lamang siyang isang patay na kumikilos na lang upang mabuhay.

Nang gumalaw si Sophia para mag-iba ng puwesto sa pagtulog ay kaagad binawi ni Stefan ang kamay at tumayo na. Pinagmasdan niya ang asawa sa huling pagkakataon bago lumabas ng kuwarto nito.

Dumiretso siya sa bar counter at kumuha ng maiinom. Habang tinutungga ang isang bote ng whiskey ay lumapit sa kanya ang Mayordoma ng mansyon na si Estrelita.

"Stefan, anak." saad ng matanda nang lumapit ito sa kanya.

"Magandang umaga po." magalang na bati ng lalaki.

"Magandang umaga rin. Gusto mo ba ng makakain? Ipagluluto kita." pag-aalok ng Mayordoma.

"Huwag na po. Tatapusin ko lang po itong iniinom ko at matutulog na ako." ani Stefan.

Tumango si Estrelita. "Naasikaso na rin namin kanina ang asawa mo. Napakaganda at napakagalang niya, napalaki mo siya nang maayos." nakangiti nitong sabi.

Huminga ng malalim si Stefan. "Babawi po ako sa lahat ng naging pagkukulang ko sa kanya. Kung matagal man ang proseso para mapatawad niya ako ay handa akong maghintay."

Ngumiti nang mas malawak si Estrelita at hinaplos ang balikat ng among itinuturing na rin niyang parang isang tunay na anak. "Nakikita ko na talagang mahal na mahal mo siya. At ngayon ko lang nakita ang kasiyahan sa mukha mo sa ilang taon na pagsisilbi ko sa iyo."

"Si Sophia lang ang kaligayahan at ang tanging kayamanan ko."

Kinilig si Estrelita sa turan ng amo. "O siya't matutulog na rin ako, anak dahil mamaya ay may mga aasikasuhin pa ako dito sa mansyon. Magpahinga ka na pagkatapos mong uminom." pagpapaalam nito.

The Devil's Innocent BrideWhere stories live. Discover now