Kabanata 8

3.7K 177 22
                                    

BASANG-BASA, umiiyak, at naninikip ang dibdib. Ganyan ang sitwasyon ni Sophia habang naglalakad sa isang hindi pamilyar na daan. Ang kaniyang suot na wedding dress ay basa at madumi na rin pero hindi niya alintana iyon makatakas lamang sa kasal na hindi niya inaasahan at ayaw na mangyari. Wala siyang kaalam-alam na kanina lamang ay ikakasal na sila ni Andres.

Ang binata ay niloko at pinaikot siya upang pakasalan at angkinin. Hindi siya makapaniwala na magagawa siyang traydurin ni Andres. Nagtiwala siya rito at sa mga salitang binitiwan nito; na gagalangin at rerespetuhin ang desisyon niya. Nagkaroon siya ng atraksyon sa mabuting ipinakita nito at nagpapasalamat siya dahil hindi tuluyang nahulog ang loob niya rito.

Lahat na lang ba nang taong pagkakatiwalaan niya ay tatraydurin at sisirain ang tiwala niya sa huli?

Nang mapagod sa paglalakad ay umupo si Sophia sa gilid ng daan at iniyuko ang ulo. Malamig at malakas ang hangin sabayan pa nang malakas na pag-ulan. Para siyang namanhid dahil hindi niya na alintana iyon sa bigat na nadarama.

Paniguradong pinaghahanap na siya ng kaniyang pamilya at ang pamilya ni Andres. Ang cellphone niya ay itinapon niya kanina upang hindi siya ma-contact ng mga ito. Kung mamamatay man siya sa daan ay wala na siyang pakialam. Kasama niya ang totoong pamilya pero parang wala ring saysay ang buhay niya dahil pakiramdam niya ay para siyang isang robot na kinokontrol na kailangang sumunod sa gusto ng mga ito.

"Deserve ko ba ang lokohin at saktan nang ganito?" mahinang bulong ni Sophia sa sarili habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Hindi niya pinagsisisihan na kanina ay tumakas siya sa kasal nila ni Andres. Nang akmang papasok na siya sa loob ng simbahan ay naisipan niyang lumabas muli at tumakbo. Hinabol siya ng mga tauhan ni Andres pero hindi siya nakita ng mga ito na ipinagpapasalamat niya.

Napaisip siya na baka nga matagal nang pinagpaplanuhan ang kasal nilang dalawa dahil nakita niya sa set-up ng kanilang kasal na pinaghandaan talaga ito, ultimo mga bigating personalidad at business partners ng kanilang pamilya ay imbitado rin sa kasal. Napakagaling!

Habang sumisinghot si Sophia tanda nang nagkaroon na siya ng sipon ay nasilaw siya sa headlights ng isang kotse na tumama sa kaniyang mukha. Dahil masakit iyon sa mata ay sumimangot siya at nag-angat ng tingin sa kotseng papalapit sa kanya.

Doon ay kumabog ng malakas ang dibdib niya nang lumabas mula sa loob ng kotse ang isang matangkad, may malaking pangangatawan, at may kahabaan ang buhok na lalaki. May dala itong payong at nakatingin ng mariin sa kanya.

This is how she felt when she first saw him. She had no idea what to do because she hadn't seen him in years. No matter how many times she tells herself she will forget him, she still feels pain, longing, and sadness. Despite everything, she will always love him.

Nang makalapit si Stefan sa harapan niya ay lumuhod ito at pinayungan siya.

"Let's go."

Umawang ang bibig ni Sophia at tumitig nang muling marinig ang tinig ng ama-amahan. Malalim at baritono pa rin ito katulad nang dati.

Nang hindi siya sumagot sa sinabi nito ay huminga ng malalim si Stefan at inalalayan siyang makatayo mula sa pagkakaupo sa sahig ng daan. Hindi na siya nagprotesta sa ginawa nito. Hindi talaga siya makapaniwala na nasa harapan niya ang lalaking kahit sa panaginip niya ay hindi siya pinapatulog.

Nang nasa loob na sila ng kotse ay saktong humina na ang ulan. May kinuha si Stefan mula sa backseat ng kotse; isang itim na jacket at ibinigay ito sa kanya.

"Suotin mo 'yan para hindi ka lamigin." saad nito.

Walang imik naman na isinuot ito ni Sophia. Pulang-pula na ang buo niyang mukha at nilalamig siya. Basa ang suot na wedding gown at ang kulay kahel na buhok.

The Devil's Innocent BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon