CAPITULO 48

1.3K 24 2
                                    

TRIGGER WARNING: SUICIDAL IDEATION, SERIOUS MENTAL HEALTH ISSUE, AND MISCARRIAGE PREGNANCY.

NOTE: THIS CHAPTER MIGHT TRIGGER TRAUMATIC EXPERIENCE, SENSITIVE CHAPTER AHEAD WHICH IS NOT RECOMMANDABLE FOR SOME READERS. READ AT YOUR OWN RISK.

CLAZZO

Isang buwan...

Dalawang buwan...

Dalawang buwan na nang mawala sa amin si Kaede, nilibing na ang mga taong mag pakana ng lahat pero hindi pa rin siya nahahanap.

Ang sabi ng mga pulis ay baka pinatay na rin ito, based doon sa personal na issue ng mga kumidnap sa anak namin, iniisip nila na maaaring pinagbuntungan ng galit ang anak ko at saka ito tuluyang kinitilan ng buhay.

Paano'y... Wala kasi talagang lead kung saan nila dinala si Kaede, gusto ko pang tuluyang hanapin ang anak ko pero... paano ko gagawin iyon kung tuluyan na akong nawala sa tamang pag iisip?

Oo, wala na ako sa tamang pag iisip, diagnosed with severe depression and post traumatic stress disorder na naging dahilan kung bakit lagi akong wala sa katinuan, walang gana kumain, walang gana sa lahat, nagsasalita mag isa, nakakakita ng kung ano ano, at umiiyak na lang basta basta.

Sa loob ng limang buwan ay walang araw na hindi ko binalak kitilin ang sarili kong buhay, paulit ulit akong naglalaslas, inuumpog ang ulo sa pader, sinasabunutan ang sarili, at naranasan ko na rin ang minsang hayaang malunod ang sarili.

Nasa poder ako ni Axel ngayon, inaalagaan ako. Oh diba? Ang dami niya ngang inaasikaso ay dumagdag pa ako. Dahil din sa nangyari ay tuluyan na akong nahirapan makapagsalita, hindi ko na naririnig ang sinasabi ng mga tao sa paligid ko, tanging mga boses na lang sa aking isip ang naririnig.

Iyon naman lagi ang naririnig ko.

"Patayin mo na ang sarili mo..."

"Wala kang kwenta..."

"Matatapos ang paghihirap mo kapag namatay ka na..."

Nagsisimula na namang tumulo ang mga luha ko, ayan na naman kasi sila, naririnig ko na naman...

Nakalock ang pinto ng kwarto mula sa labas, wala na ring ibang gamit dahil ginagamit ko iyon para saktan ang aking sarili. Bawat sasapit ang hapon araw araw ay nilalabas ako ni Axel para magpahangin, hindi niya alam ay hinihiling ko na sana... sana ay kuhain na rin ako ng kalangitan.

"Love..." Rinig ko ang boses ni Axel.

Kahit sa dami ng boses na naririnig ay nakikilala ko pa rin kung alin doon ang kay Axel, nakatalikod ako mula sa kaniyang direksyon, nakatalukbong ng kumot.

He looked at me disappointedly when he saw the fresh cuts on my wrists, hinanap niya ang ginamit kong panghiwa, iyon ay ang takip ng ballpen na panda.

He heavily sighed and wiped his tears out, ganito lagi, kapag may nangyayari sa akin ay iiyak siya habang ako ay titignan lang siya nang nagtataka.

"Andito lang ako... Laban lang..." Bulong niya.

Tinulungan niya akong tumayo, sinuotan nita ako ng loafers at saka inalalayan palabas ng kwarto. Siguro ay maglalakad lakad na naman kami.

Habang naglalakad kami ay mabigat ang pakiramdam ko, laging may kulang, laging may gusto akong tapusin, lagi kong iniisip na mamatay na lang.

"Can you buy me set of color papers and a digital camera?" Mahina kong pakiusap kay Axel.

Nangunot ang noo niya, hawak niya kasi anv aking kamay na may mga white cloth gloves, at naka jacket. "Why?"

"Gusto ko kasing gumawa ng paper stars, tapos gusto ko i-film ang sarili ko habang gumagawa no'n." Sambit ko.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Where stories live. Discover now