CAPITULO 11

1.5K 25 4
                                    

PRESENT TIME

CLAZZO

"Still no clue from the the killers?" I asked Lawless, one of the trusted ladies in our organization.

Many people are now afraid of me, why? I became one of the most empowered women that is leading the second biggest illegal organization.

I learned how to fight, to stood up for myself, to kill, to destroy, and to be merciless. I don't how did I become like that but I guess fate just decide who am I going to be.

"We still haven't found any information about the killers of your parents, Señorita." Lawless replied.

And yes, until now I'm still looking for the killers of my parents, akala ba nila ay tatantanan ko sila? Hanggang mamatay ako ay hahanapin ko sila.

Simula nang pumasok ako sa organisasyon ni Rhyle ay pasikreto pa rin naming iniimbistigahan ang nangyari, hindi kasi ako matatahimik kung hindi nakakamit ang hustisya na para sa mga magulang ko.

Isa na ako sa leader ng Wagon organization, at ang mga kalaban namin? Sila ang balakid sa mga plano namin katulad ng Cienfuego organization.

Recently lang ay nakuha ng Cienfuego organization ang isa sa mga iniingatang painting ng royal family na nagmula sa El Cielo collection, we had an underground transaction and we've met the members of it.

Some guys are familiar but I don't know them completely, there's a part of my mind na kilala sila kahit hindi ko naman talaga sila nakikita pa noon.

Nang lumabas si Lawless ay doon ko nilabas ang envelope na nagkakalaman ng documentaries ng nangyaring underground transaction, mayroong mga pictures doon kung saan malinaw ang pagkakakuha.

Pinagmasdan ko ang lalaking nakatapat ko noong araw na 'yon, ang alam ko ay pangalan niga ay Keyos Copeland, narinig ko na siya dati pero hindi ko lang maalala kung saan.

"Sino ka ba talaga?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang kaniyang litrato.

Mahahalata palang sa unang tingin na may lahi siya, amber ang kulay ng mga mata, maputi at matangos ang ilong, pangahan ang mukha at mamula mula pa ang pisngi at labi, makapal ang kilay at may kahabaan ang buhok.

Habang tinitignan ko ang litrato niya ay bumabalik sa aking memorya kung paano kami naglaban noong araw na 'yon.

"Give up, Clazzo." Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin, tila ba'y galit na tigre dahil sa natural na kulay ng kaniyang mga mata.

"Mamamatay muna ako bago mangyari 'yan." Doon ko siya sinapak nang malakas bago pumatong sa kaniya.

Marahas kong hinawakan ang kaniyang kwelyo, hindi nagpapaawat ang mga mata niyang amber sa mga mata kong lila.

Sinapak ko siya nang paulit ulit dahilan para dumugo ang kaniyang labi at ilong, "Ano ba?! Mahina ka ba?! Bakit hindi ka lumalaban?"

Sinamantala ko ang pagiging mahina niya at saka paulit ulit siyang sinapak na hindi naman ako ginagantihan.

Inis kong hinawakan ang kwelyo niya, "Ano ba?! Wala kang silbi na kalaban!" Sigaw ko sa kaniya.

Napaubo siya nang dugo, hindi pa rin nagsasalita, tinititigan lang ako at pinapanood na unti unti siyang patayin.

"I can't hurt you." Napatigil ako nang sabihin niya 'yon.

"Are you stupid?! We are rivals, enemies, Copeland! You should've taken this chance to kill me!" Nanlilisik ang mga mata ko sa kaniya.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon