CAPITULO 14

1.5K 30 0
                                    

CLAZZO

"Ms. Clazzo, today is the day for proposal of the designs." Pagreremind ni Ariana.

Tumayo na ako at saka nagretouch, marami kaming gagawin ngayon lalo na sa Wagon Organization, kakatapos lang kasi ng nangyaring barilan laban sa Yakuza Organization.

Luckily, marami ang nabawas sa Yakuza Organization including its head, nang dahil sa naging away ng Wagon and Yakuza Organization ay may kaniya kaniya kaming mga sugat.

May malaking hiwa si Rhyle sa mukha na sobrang halata, fresh na fresh pa 'yon at nagpadagdag iyon sa takot ng mga tao sa kaniya.

Ako naman ay kinailangan gumamit ng fracture fixation belt para sa aking elbow sprained, isang kamay lang tuloy ang nagagamit ko dahil sa injury. Ang strap nv fixation belt ay nakasabit sa kabila kong balikat to protect my injured arm and elbow.

Hindi ko kasi ito magalaw at sobrang sakit kapag nasasanggi, may pasa rin ako sa gilid ng labi at tinahi ang kanang kilay dahil pumutok iyon kaya wala akong choice kundi tapalan ng medical bandage na idinikit gamit ang medical tape.

Tumingin ako sa salamin bago lumabas, isa lang masasabi ko, panira talaga ang Yakuza sa itsura ko ngayon.

Kahit si Ariana ay sobrang nagulat na pumasok ako nang may ganito, hindi naman ako pwedeng lumiban sa trabaho dahil paniguradong ako naman ang matatambakan ng mga gagawin.

Kanina pa tingin nang tingin ang mga employees sa akin, malamang ay nagtatanong na kung bakit may fixation belt akong suot sa aking braso at may bandage pa sa kilay.

When we entered the conference room, they were just about to greet me pero hindi natuloy 'yon nang makita nila ang sitwasyon ko.

"Don't bother greeting me, have a seat." Ako na ang unang nagsalita dahil tila lahat sila ay nagulat.

I heavily sighed, nahihirapan ako kumilos plus humaharang pa sa mukha ko ang aking buhok.

"Please give me a minute before we start," tinawag ko si Ariana at pinakuha ng pwedeng itali sa buhok ko.

Lumapit naman siya at saka mabilis na itinali ang buhok ko into a high ponytail, ngayon ay maaliwalas na ang pakiramdam. Nilabas niya rin ang iPad ko na gagamitin para sa mga importanteng detalye na sasabihin.

"This is indeed out of professionalism madame, but are you okay?" Nag aalalang tanong ng isa sa mga board members.

"Yes, let's start. You may start." Binigyan ko ng permission magsalita ang presenter.

May mga representative mula sa Cienfuego Real Estate kasama na ang newly hired na si Copeland, tinaasan ko siya ng kilay ng nakatingin lang siya sa akin.

Nakakunot ang noo nito habang inoobserbahan ako, malamang ay alam niya na kung ano ang nangyari, isa sila sa unang nakaalam sa nangyaring labanan.

"Since we chose a luxurious finish for this project, the estimated cost of land is thirty thousand to forty thousand per square meter, a bit pricey but reasonable for our preference." The presenter said, I nodded.

Sinulat ko sa iPad ko ang presyo ng lupa per square meter.

"We currently own a five thousand square meters of total land area, five hectares in layman's term. The engineering department have decided to increase the production costs of this project, Madame." Muli akong tumango.

Walang ibang nagbabalak na magsalita, lahat sila ay tahimik at tila hindi humihinga dahil isang maling kilos lang ay pwede silang bugahan ng apoy, hindi naman ako gano'n.

"The proposed designs? Are they all ready?" Tanong ko habang hindi nakatingin sa kung sino, nakatingin lang sa iPad.

"Yes madame, here they are." Lumabas sa screen ang limang designs.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Where stories live. Discover now