CAPITULO 17

1.4K 30 3
                                    

CLAZZO

Apat na linggo na nang nagkapirmahan na ng marriage contract sina Faughn at Rhyle. Ngayon ay balik business at organization ulit kaming lahat.

Ngayon ay paalis na ako ng manila para lumipad pa-davao para sa gaganaping groundbreaking construction or ceremony ng one of the biggest project namin ngayong taon.

Nauna na rin ang ibang staff ko sa davao at nakahanda na ang lugar, papunta na rin ang mga engineers at architects sa pamumuno ni Copeland.

"Tuloy na tuloy na ang groundbreaking ceremony, ano?" Lawless said while smiling.

Narito kasi ako ngayon sa Wagon Corporation, ginawa ko muna ang nga trabaho ko rito bago ako umalis.

"Oo, nakakataba talaga ng puso kapag may mga ganitong event ang Clazzo and Wagon empire." I replied.

They all went near and hugged me, masaya rin talaga sila para sa akin, nakikita ko ang kinang sa mga mata nika habang nakangiti.

"I'm very proud of you, Tifanie." Ely said, I mouthed 'thank you.' with that.

"Kamusta pala ang investigation?" Tanong ko kay Lawless, bumalik naman sa pagiging casual ang naging reaction nila.

"Wala pa rin talagang lead, Tifanie. Ginagawa naman namin ang best namin pero mukhang wala talagang balak na magpakilala ang mga pumatay sa mga magulang mo." Lawless stated.

Malungkot akong ngumiti.

Dapat andito rin sila, eh. Dapat kasama ko rin sila na nagiging proud kung nasaan na ang narating ng Clazzo Group of Companies, sana nga ay nasaksihan nila lahat bago man lang sila kinuha.

"'Wag kang mag alala, Tifanie. Makukuha rin natin ang hustisya para sa mga magulang mo." Ngumiti ako kay Ely nang sabihin niya iyon.

Ang mahalaga ay may mga tao pa rin na naniniwalang makukuha ko ang hustisya para sa kanila, kahit papano ay hindi ako nag iisa sa investigation.

Mabilis na lumipas ang oras at nakita ko na lang ang sarili ko na nasa airport na dala dala ang maleta at palipad na padavao.

Mabilis lang din ang mga process bago makapasok sa aircraft kaya hindi natagalan, nang pumasok na ako sa aircraft ay dumiretso na ako sa business class.

May mga nag demo muna ng safety protocols at ilang minuto pa ay nagsimula nang lumipad ang eroplano.

Tinext ko muna si Rhyle para iupdate na nasa byahe na ako pa-davao kaya hindi niya na kailangan mag alala if ever.

Kulang ako sa tulog nitong mga nakaraang araw kaya siguro kahit papano at iidlip ba muna ako.

"I'd rather have bad times with you~ than good times with someone else..." Nakarinig ako ng isang boses na malumanay at malambing.

Tinignan ko ang lalaking naggigitara at kumakanta, katabi nito ang babaeng maikli ang buhok, nakangiti ito habang pinapanood ang pagkata ng katabi niya.

"I'd rather be beside you in a storm... Than safe and warm by myself." Kanta muli ng lakaki.

Lumapit ako nang bahagya mula sa kanila, nakaupo sila sa wooden bench at ang katapat nilang tanawin ay iba't ibang kulay ng fresh tulips.

"I'd rather have hard times together than to have it easy apart... I'd rather have the one who holds my heart..." Pagtuloy ng lalaki sa kaniyang kinakanta.

Unti unting sumilay ang ngiti sa aking labi, mukhang mag asawa sila na lumalayo lang sa gulo at problema. They were enjoying themselves and it was really a nice view from here.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz