CAPITULO 27

1.1K 21 0
                                    

CLAZZO

The mafia war is yet to come.

Narito ako ngayon sa hideout ng mga Cienfuego, naghahanda para sa mangyayaring mafia war, kahit ang mga miyembro ng Cienfuego organization ay paspasan ang paghahanda.

"Dumating na ang mga deadly weapons na galing sa China at Russia, sobra sobra pa 'yon kaya wala tayong ikakabahala."

Rhyle and Ely aren't present on this meeting, Rhyle is busy with her hospital duties while Ely... Hindi ko alam, nararamdaman ko na rin kasi ang paglayo niya samin.

"Bakit wala si Ely?" Malamig na tanong ni Yunix.

Alam kong kanina niya pang gustong itanong 'yon dahil nakaabang siya sa pintuan kung sino ang sunod na papasok.

"Ely is busy." Faughn replied.

Nangunot ang noo ko, bat alam niya? I mean, for sure, everyone knows we are all busy but seems like something is off.

I shrugged it off, baka kahit papano ay nakakausap niya si Ely.

Kami na lang tatlo nina Slora at Lawless ang nandito na representative ng Wagon Organization, sa mga panahon na 'to ay ramdam na ramdam ko na ang panghihina at unti-unting pagbagsak ng Wagon Organization.

Nang magawi naman ang itsura ko kay Axel ay lumambot ang pakiramdam ko, kanina pa kasi siya tahimik na alam naman naming lahat na hindi normal para sa kaniya. Kanina pa rin siya tulala at nakakunot ang noo na tila malalim ang iniisip.

"Please excuse us." Sabi ko at saka hinila palabas si Axel na ikinagulat niya.

Wala naman siyang nagawa kundi magpadala na lang sa hawak ko, pumunta kami sa office niya at saka siya hinarap.

"Clazzo, ano ba? May meeting tayo oh, bakit bigla bigla kang nanghihila?" I was stunned by his words.

He did not call me Bythesea, but he called me by my last name. It sounds so offensive kapag galing sa kaniya, people call me by my surname, for sure especially sa organisasyon pero kapag galing sa kaniya? It feels illegal.

"You looked bothered, Copeland. You're not paying attention to our meeting, kanina pa lumilipad isip mo. May problema ba?" Tanong ko at saka akmang lalapit sa kaniya pero lumayo siya.

Inis niyang ginulo ang buhok niya at tinanggal ang necktie niya, pabalang siyang umupo sa couch. Nagulat naman ako nang takpan niya ang mukha niya ng kaniyang mga palad habang ang mga siko niya ay nakapatpng sq kaniyang hita at saka nag simulang humikbi.

Nag aalala akong lumapit sa kaniya at lumuhod sa harapan niya, "Hey, what's wrong...?"

Tinanggal ko ang mga palad na nakalapat sa kaniyang mukha, doon bumungad sa akin ang nanginginig niyang mga labi, namumulang mata, ilong, at pisngi na nababalutan ng luha.

Hinawakan ko ang kamay niya, "Tell me, what's bothering you...?"

Humikbi siya at saka umiwas ng tingin, "Bythesea, hindi ko kasi kaya..." Nanginginig ang boses niya.

Inabot ko ang pisngi niya at saka pumagitna sa pagitan ng kaniyang binti, pinunasan ang kaniyang luha at pinilit na harapin sa akin.

"Bythesea... My parents asked me to go back to Australia, they want me to carry the burdens of the company, they want me to handle it and live there permanently. B-Bythesea, nandito na ang buhay ko, ikaw ang buhay ko..." Pagpapaliwanag niya.

Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya, naaawa ako dahil mukhang problemadong problema siya at walang magawa sa gustong gawin ng kaniyang magulang.

Maliit akong ngumiti sa kaniya, "Hindi naman ako mawawala, Axel..."

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon