CAPITULO 39

1.1K 20 2
                                    

CLAZZO

I woke up in a good mood, kahit dalawang oras lang ang tinulog ko ay pakiramdam ko nawala pa rin lahat ng pagod ko sa lahat ng bagay.

Dumiretso na ako maligo at mag ayos bago ko puntahan si Kaede sa kaniyang kwarto, when I finished taking a bath, agad na rin akong pumili ng isusuot na office attire.

Pinili ko na lang ang cerulean long sleeve na mag neck scarf na paribbon ang design at black pencil skirt na above the knee ang length. Sunod kong inayos ang maikli kong buhok na blinow-dry ko lang at saka ginamitan ng straightening iron para mag straight pa lalo.

Pinartneran ko lang ng knee length na lether boots ang outfit ko, I missed going to work looking like this! Noon kasi ay walang ka-extra extra, pwede pa nga ako pumasok ng naka slack at plain white shirt lang.

Sunod akong nag make up nang bahagya, tinakpan ko lang ang dark circles under my eyes at saka cinonceal din ang ibang part ng face, gumamit lang ako ng reddish na blush, mascara, at simpleng matte lipstick para naman presentable ako tignan.

Inayos ko lang ang bag ko at saka dumiretso na sa kwarto ni Kaede but to my shock, nandoon si Axel at siya ang nag aayos sa anak namin.

Naka upo si Axel sa dulo ng kama habang inaayos ang uniform ng kaniyang anak, naka wax pa ang buhok na mas lalong nagpapogi sa anak namin.

"You're tall for your age, anak." Axel said to his son.

They don't seem to notice me, nakasandal lang ako sa door frame ng pintuan ng kwarto ni Kaede habang nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa.

Natulog ba 'to so Axel?

Iba na ang suot niya mula sa suot kaninang alas tres, malamang ay naglinis din ito ng katawan. Magulo pa nga ang buhok at parang hindi inayusan but still, that hair of his make him look more hot!

I blew a breath, I can't deny he's hot! He's wearing a pair of pajamas but for the top he's wearing a black calvin klein plain shirt that emphasizes his biceps.

"Dad, I'm not perv, alright? I mean, just look at you! You're 6'5! The genes are running inside our veins, you know?" Kaede smirked to his dad and Axel just laughed at it.

"Do you have a girlfriend?" Mahinang tanong ni Axel na ikinalaki naman ng mata ko!

For pete's sake! Our son is only a sixth grade student! Why would he ask that?! Akala ko naman ay 'yon lang ang magpapagulat sa'kin pero mas nagulat ako sa sagot ng anak ko.

"Well, mommy doesn't allow me to have a girlfriend yet, but I think... I'm in love with a girl — " and there, I entered the conversation.

I walked towards them as their smiles faded at napalitan ng takot! Ha, ang bata pa ni Kaede para sa ganiyan!

"Anong sinasabi mo ha, bata ka?" Pananakot ko kay Kaede, di kalaunan ay napalitan ng ngisi ang takot sa mukha ni Axel.

"Lagot ka..." Bulong ni Axel and Kaede just looked at his dad with scared face, "Dad! Save my ass!" Mariin na bulong ni Kaede na ikinatawa lang ni Axel.

Umupo ako sa tabi ni Axel at sa harap naman naming dalawa si Kaede, sesermonan ko sana ang bata when Axel shamelessly kissed my neck in front of our kid! "You look gorgeous."

Napangisi naman si Kaede dahil sa ginawa ng ama, marahan kong tinulak palayo ang mukha ni Axel na ikinatawa niya rin.

"Chill, mom! I was just joking! I knew you were listening to our conversation that's why I had the guts to say that, I know I'm not old and mature enough for that kinda thing. You don't have to be worry about it." Kaede said as he kissed my forehead.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Where stories live. Discover now