CAPITULO 30

1.5K 29 4
                                    

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS PROFANITIES, MENTION OF BLOOD, DEATH, AND VIOLENCE. You may skip this part if you're uncomfortable with this genre of chapter. Read at your own risk.

THE MAFIA WAR AGAINST EL SALVADOR:

CLAZZO

January 28, alas dos ng madaling araw.

It's the day, parang kahapon lang ay nagkapirmahan lang ng kontrata sina Faughn at Rhyle, ngayon ay nandito na kami sa dulo.

Nasa loob ako ng hideout, chini-check ang mga tauhan naming sasabak sa laban mamaya. Wala si Rhyle, wala si Ely, si Lawless naman ay naka assign sa ibang batallion, gano'n din si Slora.

"Nakahanda na ba ang lahat?" Tanong ko sa mga tauhan namin.

These people in front of me might get killed later, some might get injured, and some might luckily survived. As a leader, I will be glad kung ako ang mamamatay imbes na sila.

"Si, Señorita." They replied as I nodded.

"Tifanie, Someone's looking for you." I was taken aback when Lawless showed up with a tired face.

Pareho sila ni Slora na pagod na pagod na, ilang linggo na ata sila walang tulog at hindi ko naman pwedeng gayahin 'yon dahil buntis ako at may inaalagaang fetus sa loob ng aking tiyan.

Lumabas ako ng hideout saglit only to see Copeland's father leaning on his Mercedes with a serious face.

Madaling araw na madaling araw, anong ginagawa niya rito? At tsaka paano niya nalamang andito ako?

"You are the woman called Bythesea, right?" His father approached me.

He looks harmless, mukhang kakatapos lang din sa trabaho at walang ibang kasama, medyo madilim sa lugar na ito dahil nga tago ang hideout namin.

"I am, sir." I politely replied.

I have no gun with me, hindi ko naman kasi ineexpect na may bibisita sa akin sa ganitong dis oras.

"Can we talk?" Malumanay na sambit niya.

Mukhang alam ko na kung saan nagmana si Axel pagdating sa pagsasalita nang malumanay, hindi nga maganda kapag pareho silang nagagalit, mag ama nga talaga.

Napaisip ako sa sinabi niya, ano namang pag uusapan namin? Pumayag na nga si Axel na it-take over ang mga kumpanya pagtapos nitong laban hindi ba?

"Sir, as far as I remember wala na po tayong dapat pag usapan. To clarify things, I didn't interrupt Axel's decision even for once if that is your concern about." I replied again.

"Ah, I know. But this is not about my son's decision, I just wanna talk to you about other things." He said with an Aussie accent.

Sa kaniya ko talaga nakikita si Axel, sa accent, sa itsura, sa pananalita, pero hindi sa ugali. Mas mabait si Axel kumpara sa tatay niya, Axel wouldn't force anyone to do his work just like what his father did.

"We can talk here, sir, right now, because you see... I'm still awake and we're doing something really as important as your son's errands, I don't want going anywhere just to talk to you, with all due respect, sir." I replied.

Axel's father nodded, "Okay, I'll be straightforward, I don't want you for my son. I know, You and my Son are not in a relationship yet which was good."

I pursed my lips, natahimik ako, hindi nga talaga siya katulad ni Axel sa ugali because Axel won't do this, he won't hurt my feelings this way. Kahit sa ilang taon na akong kilala ni Axel, hindi niya ako pinagsalitaan ng kahit anong pwedeng makasakit sa akin at sa nararamdaman ko.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon