CAPITULO 7

1.7K 31 1
                                    

CLAZZO

Nag iimpake na kami dahil paalis na kami ng bansa, mukhang ito na nga ata 'yung bago naming simula.

Isang maleta na lang din naman ang inaasikaso ko dahil all in all; ayos na ang lahat. Wala nang po-problemahin pa dahil kumpleto naman na ang mga dokumentong gagamitin para sa agaran din naming pag alis.

Tinignan ko ang kwarto kong halos wala ng laman, ang wardrobe kong wala ng mga damit dahil karamihan ay idinonate na dahil hindi ko na gustong gamitin pa.

Sa kwartong 'to nagsimula ang lahat, kung paano mamulat ang mata ko bilang isang bata. Kung paano ako gisingin ni mommy bawat umaga dahil papasok na.

Sandali akong napaupo sa aking wala ng sapin na kama, kinuha ko sa bed side table ang picture naming tatlo nila daddy.

Hinaplos ko ang larawan nilang dalawa, "I'm sorry, mom, dad, until now ay hindi ko pa rin nakakamit ang hustisya na para sa inyo."

Gusto ko na lang bumalik sa dati, iyong walang misteryo sa buhay ko, gusto ko na lang bumalik sa pagiging bata na walang iniintinding problema.

"Mom, dad, I wish you were here."

"Anak? Are you ready to go?" I heard my mom from the other side of my door.

I was getting ready to go, combing my hair and put some hairspray on it, I looked at myself on the mirror while analyzing if my outfit was good on me.

"Yes, mommy! Coming right up!" Sigaw ko nang may ngiti sa aking mukha.

Sunday kasi ngayon and family day! Every sunday we always go out to have some quality time together, even though my parents are busy with their works they were still capable of giving time for me.

"Okay, anak! Take your time! We'll be waiting until you're ready!"

I felt the droplets of my tears running down to my cheeks, sooner or later, this house will be sold and I wouldn't be able to see it again.

The memories I will be leaving are hard to forget, the precious laughters we share as a family, the voices that imprison in this home is unreplaceable memories.

Mommy won't wait for me anymore, she wouldn't say she'd be waiting downstairs, the pain in my heart is unexplainable. How could I live without this? Without them?

"Tifanie? Are you off to go? Tara na at baka malate tayo sa flight natin!" Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang marinig ang boses ni Ely.

Binitawan ko ang box na hawak hawak ko na naglalaman ng hair clips, claws, and hair pins na binigay pa sa akin ni mommy noong bata pa ako.

Muli kong tinanaw ang mga puting kahon na nakalagay sa loob ng aking kwarto, mga sofa na nakabalot na sa puting tela, mga electronics device na nakatambak na lang, mga appliances na hindi na naka assemble, lahat ito ay iiwan ko na rito.

Tumayo ako at sana hinila na ang tatlong luggage palabas ng kwarto, sa labas ng kwarto ay naghihintay si Ely at lola na may malungkot na ngiti sa kanilang mga labi.

Binigay ko kay lola ang susi ng aking kwarto, siya na lang kasi ang matitira dito at lilipat na rin sa isang penthouse around our company, ibebenta na lang daw ang malaking bahay na ito.

Tinulungan kami ng driver namin ilagay sa trunk ng sasakyan ang aming mga bagahe, kasama namin ang boyfriend ni Ely na si Kearney at pati na rin si Rhyle na ihahatid kami sa airport.

Nang makalabas na kami ng bahay ay kitang kita ang pamumuo ng mga luha ni Lola, ang aming mga naging kasambahay at driver ay hindi na rin maitago ang lungkot.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon