CAPITULO 9

1.4K 28 3
                                    

CLAZZO

"Burol ni Sky, Sky just died, Tifanie."

Everything just stopped, the impact of Ely's words suddenly made my world and problems stop.

Paanong wala na siya? Nakita lang namin siya noong paalis na kami ng bansa, almost a month ago, paanong... Paanong wala na siya?

I know Sky cheated on me but death was just too much consequence for that, or was I just too kind?

"Paano nangyaring wala na siya?" Tanong ko sa kaniya.

It was a shocking news, iba si Sky bilang isang boyfriend, anak, estudyante, at isang tao. Iba siya in many ways, alam kong may part pa rin kasy Sky na mabait, walang rason sa pagloloko—'yun ang totoo pero mabait si Sky bilang isang kaibigan, anak, at isang simpleng tao.

"Well, they said he died from... Gun shot, hindi naman talaga siya ang target but then nadamay siya." Ely explained.

That left me speechless, makasalanang tao si Sky, alam ko 'yon, kahit naman ako ay may mga kasalanan din pero deserve niya ba 'yon?

"Kung nag-guilty ka ay 'wag, deserve niyang mamatay, manloloko siya eh."

Sinabi ni 'yon nang walang pag aalinlangan, alam ko, galit sila sa ginawa ni Sky pero paano 'yung pag aaral na naiwan niya? Pamilya niya?

"Pupunta ka ba? His family forced me to tell you this, at first ayoko talaga kasi galit ako sa kaniya but then I realized, kung diyos nga ay nagpapatawad pwes ako hindi, hindi ako diyos—"

"Ely!" Suway ko na sa kaniya dahil tumatawa tawa ito.

"Okay, chill! Sorry sorry." Sambit niya nang nakangisi.

"Pero seryoso, I think need mo ng closure sa family ni Sky. Okay lang naman kung galit ka pa rin kay Sky, so I advice na umuwi ka... Last mo na rin naman 'yon, di ka naman magtatagal." Dugtong niya pa.

Wala naman atang masama kung pagbibigyan ko ang pamilya ni Sky kahit sa huling pagkakataon. Sky's family has nothing to deal with what happened between sky and I.

Tumango ako, kahit dalawang araw lang ay okay na, uuwi rin agad ako at sasamantalahin ko na 'yung pag uwi ko para sabihin kay lola ang mga nangyayari sa aming kumpanya.

Baka kasi kapag lumala pa nang hindi niya nalalaman ay mas lalong magalit, alam kong may maititulong pa rin si lola sa mga ganitong problema kaya kailangan ko ng guide niya as a chairman.

Agad akong naghanap ng available flights na bukas agad, hindi naman ako mahihirapan sa pag iimpaks kasi mabilis lang naman at kung magkulang man ay bibili na lang.

Nakahanap ako ng available flights na bukas agad ng hapon, business class ticket ang kinuha ko at tinanong ko si Ely kung sasama pa siya ang kaso ay ayaw niya, baka lang daw mapatay niya lang muli si Sky.

There's still a part of me na naaawa kay Sky at sa pamilya niya, malaki ang ginawang kasalanan sa'kin ni Sky but that doesn't mean he has to die. Siguro ang iba ay gustong mamatay ang mga ganoong tao katulad ni Rhyle at Ely pero hindi ako sila, mas mahina ako kesa sa mga kaibigan ko.

Mabait si Sky, deserve niya pang mabuhay kahit wala ang kapatawaran ko, that's the least I can do eh, not to forgive him pero I think it's too much for him to die. Don't we all deserve to live after all?

Oo na, marupok at tanga na. Pero iba si Kalangitan bilang tao at bilang ex ko, kinamumuhian ko siya bilang ex ko pero alam ko; marami rin siyang naitulong sa ibang tao na higit pa sa nasaksihan ko.

Sky was even there when my parents died, hindi ko maiwasang malungkot... Ang unfair ng mundo, kung sino pa ang hindi mo gustong mawala ay siya pa talaga ang mabilis kunukuha.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum