CAPITULO 3

2.2K 41 9
                                    

CLAZZO

Ilang taon na ang lumipas nang tuluyan kaming iwan ng parents ko dahil sa karumal-dumal na ginawa sa kanila pero until now... Hindi pa rin nahahanap ang mga suspect na gumawa no'n sa parents ko.

Nasa last year of high school na ako, graduating na, akala ko ay hihilumin ng panahon ang sugat na iniwan ng parents ko pero hindi, hindi pa rin 'yon naglalaho.

Throughout the years, I became stronger, I learned how to face the difficulties in life alone pero hindi naman lahat ay kinakaya ko, kadalasan 'yon ang nagpapatumba sa akin.

Pababa na ako ng hagdan nang maamoy ko ang niluluto ni lola, first day kasi namin sa school at nakabihis na ako ng school uniform, sa sacred pa rin naman ako nag aaral but unlike before, dalawa na lang kami ni lola ang naiwan magkasama.

'Yung business na naiwan ng parents ko ay si lola na rin ang humahawak dahil obviously, wala akong kakayahan hawakan ang mga 'yon pero ang C.O.O position is remaining vacant.

"Good morning, lola." Bati ko sa lola ko nang makarating ako sa dining area at saka hinalikan ito sa pisngi.

Naghain na siya ng pagkain at saka ako umupo na, tahimik lang kaming sumunod na kumain.

"Apo, graduating ka na ngayong taon, anong balak mo kuhaning college program?" That question caught me off guard.

Until now ay hindi ko pa rin alam ang gusto ko, samantalang ang kaibigan kong si Ely ay alam na kung ano ang kukuhanin niyang course or program in college which is BSIT.

"Wala pa po lola."

Iniisip ko na kumuha na lang ng business related program para kahit papano ay matulungan ko si lola sa paghahandle ng businesses na naiwan ng parents ko.

Wala akong ibang choice kundi iyon, di ko kasi talaga alam kung ano ang gusto ko at ang passion ko, si Ely ang passion ay pagmomodel kaya kahit papano ay nakakatanggap siya ng mga proyekto.

Wala akong kahilig-hilig na gawin, wala rin akong talento katulad ng ibang batang nakikita ko sa playground man 'yan o sa school.

Nang matapos kumain ay hinanda ko na ang bag ko at saka nagpaalam na kay lola.

Paglabas ko ng bahay ay doon naghihintay si Ely, nakangiti pa ito habang kumakaway sa akin.

"Tara na!" Hinila niya ang kamay ko papasok sa sasakyan nila at saka kami pumasok sa backseat.

As usual, tahimik lang ako at walang kaimik-imik, si Ely naman ay dumadaldal lang.

"May chismis ako sis," napapikit ako nang mariin nang marinig 'yon sa kaniya, heto na naman kasi kami sa chismis niya.

"Kilala mo si Faye? Girlfriend no'ng lalaking pinatid ako last week? Buntis! Ang malala pa do'n is hindi si Jonas ang tatay!"

Napasapo ako sa aking noo nang marinig 'yon, for god's sake, mahilig talaga mangialam ng buhay ng ibang tao si Ely.

"Alam mo, iniisip ko one day; 'yung magiging anak mo ay madaldal at chismoso rin." Pabiro kong sabi sa kaniya.

"Ih! Di ako mag aanak, haha! Sarili ko nga di ko maalagaan eh." Napatanga ako sa sinabi niya, totoo ba 'yan?

Nang makarating kami sa school ay agad kaming bumaba, dahil nga first day namin ni Ely ay maaga kami dahil may opening prayer pa.

Diretso lang akong lumalakad habang walang imik, taas noo habang hawak ang isang strap ng bag ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga lalaking nagtatakbuhan papunta sa amin ni Ely dahilan para mabunggo kami!

"Hoy!" Sigaw ni Ely doon sa isang lalaki na lumagapak sa sahig.

Never Again: The Ambiguous Ending (Tres Patroncitas #3)Where stories live. Discover now