Chapter 21

322 15 5
                                    

Chapter 21

Nang magising ako kinaumagahan ay masakit na masakit ang ulo ko. Pakiramdam ko ay parang mabibiyak na ito sa sobrang sakit. Dahan dahan akong bumangon at sinandal ang likod ko sa header ng kama.

Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot ito. May nakapa akong tila kung anong nakadikit sa noo ko. Probably, a salonpas.

Ginala ko ng tingin ang paligid, nasa loob ako ng kwarto ko. Natigilan ako, paano ako nakauwi kagabi? Ang huli kong natatandaan ay kasama ko si George, iyon lang, tapos hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari.

Pinilit kong alalahanin ang sumunod na nangyari, ngunit hirap ako. The more I force myself to think about it, mas lalo lamang sumasakit ang ulo ko.

"How's your sleep?"

Binalingan ko ng tingin si Akill, kapapasok lang nito sa pinto ng aking silid, may dala-dala rin itong tray ng pagkain.

"Ayos lang," sagot ko.

"May masakit sayo?" concerned na tanong niya.

"Ulo lang,"

Nilapag niya ang tray na hawak sa ibabaw ng isang maliit na cabinet na nasa gilid ng aking kama bago naupo sa tabi ko.

"You need this hot soup to get rid of your hangover."

Pinanood ko syang kunin ang isang mangkok, hinipan nya muna ang isang kutsara ng sabaw bago itutok iyon sa bibig ko.

"K-kaya ko, Akill."

Umiling sya, hindi pa rin inaalis ang pagkakatutok ng kutsara sa bibig ko.

"Let me take care of you, Illara." tila batas na sabi niya.

Lumunok ako bago tanggapin iyon.

"Why are you drunk last night?" tanong niya nang makalahati ko na ang tasa ng sabaw.

"Ikaw, bakit di ka nagrereply kagabi?" tanong ko rin dahilan para matigilan siya at maiwan sa ere ang kutsara.

"It's that the reason why you're drunk?" malambing na tanong nito bago ibalik sa ibabaw ng cabinet ang mangkok.

Hindi ako sumagot.

Naiinis pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Listen, may ginawa lang ako kagabi kaya hindi ako nakapagreply sayo. It's urgent. Isa pa, I can't use phone while doing my job,"

"Mas importante sa 'kin?"

Gusto kong sapukin ang sarili, bakit ba ako umaakto ng ganito? Para rin akong immature dahil sa aking inaakto.

Nakita ko ang bahagyang pag awang ng kaniyang bibig, bakas rin ang pagkamangha sa kaniyang mukha.

Umiling siya. "You are more important, Illara. It just happened that it was already late when I finished what I was doing, at doon lang ako nagkaroon ng oras para mabasa ang text mo. I didn't intend to wait you for hours, I'm sorry." paliwanag nito.

"Pero bakit hindi ka man lang nagtext sa akin nang tapos ka na sa ginagawa mo?"

Binasa nya ang labi gamit ang dulo ng kan'yang dila.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now