Chapter 25

240 11 8
                                    

Author's note: Happy 5k reads everyone! Congrats sa atin! Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at pagre-recommend.

Chapter 25

Humupa ang kaba sa dibdib ko by just seeing that picture. Parang malaking sampal iyon sa akin that I should not be afraid of the truth that everyone in the university now knows whatever Akill and I have. Instead, dapat matuwa ang puso ko because that picture was a proof that Akill was really in love with me. By the way he stare at me, and the way he smile. . . masasabi mo ang totoong nararamdaman ng lalaki.

"Aba, at talagang ngumingiti ka pa sa lagay mo, 'no?"

God! Hindi ko alam na nakangiti na pala ako sa iniisip kong iyon. Pinagpantay ko ang labi bago i-abot sa kaniya ang cellphone.

Naiiling na kinuha niya naman iyon mula sa akin.

"So, totoo nga na kasal kayo ni Mr. Bloodmore?"

Hindi ako tumanggi, hindi ako nagsalita. Ngunit tila sapat iyon para makuha niya ang sagot sa kaniyang katanungan.

Nginitian niya ako bago tumuran.

"We have trust on you, Illara. Kaming mga kaklase mo, especially George."

Hinaplos ang puso ko. Despite the hate being thrown at me now, they are still on my side; they still have belief in me.

Nginitian ko siya at tinanguan.

"Salamat, Jenelle. . ." Ayos na sa akin iyong may kakaunti pa rin ang naniniwala sa akin. Hanggang may nasa panig ko, hanggang may naniniwala pa rin sa akin, ayos na iyon.

Sabay naming nilingon ang pinto nang humahangos na pumasok mula roon si George.

"Kailangan mong makaalis ng campus!" malalaki ang hakbang na lumapit siya sa amin at hinawakan ako sa braso. Hindi kaagad ako nakapagsalita nang hilahin niya ako palabas. Nilingon ko si Jenelle na nakaupo pa rin. Tinanguan niya lang ako habang papalayo kami mula sa lugar na iyon.

"Pinipigilan sila nila Jaydee at ng iba pa nating mga kaklase, nasa canteen sila kaya hindi ka nila magagawang lapitan." saad niya habang hila-hila pa rin ako. Palinga-linga pa siya sa paligid na animo takot na may makakita sa amin.

Alam ko ang tinutukoy niya, sa sinabi sa akin ni Jenelle kanina ay hinahanap ako ng mga fans ni Akill. Ngunit hindi ko alam na pinipigilan sila ng mga kaklase namin, wala siyang nabanggit. Hindi naman ako nagtaka kanina nang kaming tatlo lang nila Jenelle at Irine ang nasa loob ng classroom dahil akala ko ay masiyado pang maaga kaya wala pa ang mga kaklase namin.

"George, hindi niyo kailangang gawin ito. A-ayokong pati kayo madamay sa galit sa akin ng mga tao." huminto ako sa paglalakad dahilan para umiigting ang panga na lingunin niya ako.

"We won't let you hurt by those pathetic girls! Mga putangina nila, makapagsalita sila ay akala mo alam nila ang buong istorya." galit niyang sabi, animo kanina pa siya nagpipigil ng galit.

Ito ang unang beses na makita ko siyang ganito. Sa tagal naming magkaibigan ay nakita ko na itong magalit ngunit kakaiba ang galit niyang ito, hindi ko ito mapangalanan.

"A-ayokong madamay kayo, George. B-baka saktan nila kayo."

"Kaya hahayaan mong ikaw ang saktan nila?!" binitawan niya ang braso ko at galit na hinarap ako. "Sasarilihin mo na naman ang ganitong problema?! Wala na nga akong naitulong sa iyo nang i-abandona ka ng mga magulang mo tapos sa ganitong bagay ayaw mo akong tulungan ka?! Sa ganito na nga lang kita matutulungan, pinipigilan mo pa ako. Ano bang tingin mo sa pagkakaibigan natin? Na sa saya lang tayo puwede magdamayan? Kapag ganitong sitwasyon, hindi puwede?!" halos lumabas na ang ugat sa leeg niya dahil sa pagsigaw niya.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now