Chapter 1

605 12 11
                                    

Chapter 1

Trigger Warning: Mention of suicide, death and abuse

Home should be the first place where a child will find happiness and peace. A place where guidance and comfort is present. In every corner, love should be there.

Habang lulan ng sinasakyang jeep, tanaw ko ang two story house na kanina ay nilabasan ko.

That house is the first place where I experienced being neglected. . .

The place where my feelings are invisible and unheard. . .

The place where negativity and resentment lingered in the air. . .

That place is the very first place I found chaos instead of solace. . .

And lastly, that place is where my absent parents lived.

I sighed as I watch our house slowly disappear from my sight. Pumara ako nang nasa tapat na ng university, inabot ko rin ang bayad bago bumaba.

Nasa kabilang kalsada ako kaya kailangan ko pang tumawid. Tumingin ako sa kaliwa at kanan, wala pa namang padaang sasakyan maliban sa isang itim na kotseng paparating-na may kalayuan pa naman.

Nagsimula na akong maglakad, ngunit hindi pa man ako nakakailang hakbang ay napansin ko na papasalubong na ito sa deriksyon ko. Pinanlamigan ako ng kamay bago unti unting binalot noon ang buong katawan ko. Sa labis na kaba ay hindi ko magawang maihakba ang paa ko. Tila napako ako sa mula sa kinatatayuan.

Mariing napapikit ako. Handa na sana akong harapin ang kamatayan ko nang marinig ko ang malakas na pagpreno ng sasakyan sa tabi ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napakapit ako nang mahigpit sa suot kong skirt nang bumaba ang isang hindi katandaang lalaki na sa marahil ay driver ng sasakyan. Sa tingin ko ay nasa around 30's na ito.

Lumakad ito palapit sa akin dahilan para mataranta ako.

"Kuya, sorry po!" bahagyang yumuko pa ako. " Malayo pa po kasi kayo kanina kaya naisipan kong tumawid na. Hindi ko naman alam na mabilis pala kayong magpatakbo. Akala ko tansado ko. Wag nyo po akong papagalitan. Sorry po talaga!"

"Ay ma'am, hindi ko naman po kayo papagalitan. Actually, bumaba po ako para po itanong kung ayos lang po ba kayo. "

Nag-angat ako ng tingin. "T-talaga po?"

"Opo, ma'am. Ayos lang po ba kayo? Wala naman po bang masakit sa inyo?" concerned na tanong nito.

"Meron po. Heto po, oh. " Tinuro ko ang dibdib ko kung saan nakapwesto ang puso ko.

Bahagyang napaawang ang kanyang bibig at basa ko ang hindi makapaniwalang reaksyon sa kan'yang mukha.

"Char lang, kuya! Kung gusto nyo nga po take two pa eh, yung mababangga nyo na po talaga ako." dagdag ko pa.

Nahihiyang napakamot sya sa likod ng kanyang ulo.

"Palabiro po pala kayo, ma'am." nahihiyang nagpakawala pa ito ng tawa. "O sya, sige na po. Baka pagalitan na po ako ng boss ko. Mag-iingat na lang po kayo sa pagtawid sa susunod."

"Opo. Kayo rin kuya, mag-iingat din po kayo sa pagda-drive. " sagot ko habang minamata sya na pasakay ng sasakyan. Nang tuluyan na syang makasakay ay gumilid ako para makadaan ang sasakyan.

Habang unti-unti akong nilalagpasan ng sasakyan ay nakatitig lang ako sa bintana nito. Tinted ang bintana dahilan para hindi ko makita ang loob.

I didn't know that behind those tinted windows, is a pair of eyes that has been eyeing me for a while now.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now