Chapter 22

385 13 10
                                    

Chapter 22

"Where are we going, Akill?"

I asked while he is driving. Tipid na ngumiti s'ya habang nasa unahan pa rin ang tingin.

"You'll find out later. So for now, finish all your food, okay?"

Bumusangot ako at ibinaba ang tingin sa paper bag na nasa ibabaw ng hita ko. May lamang jollibee iyon na in-order nya nang may madaanan kaming drive thru.

"I can't finish all of this,"

"You can. I'll help you." nakangiti n'yang sabi bago ako sinulyapan.

Akmang kukunin n'ya ang burger na nasa kamay ko nang ilayo ko 'yon mula sa kan'ya dahilan para magsalubong ang kan'yang dalawang makapal na kilay.

"Nagdadrive ka," saway ko. "susubuan na lang kita."

He looked away and firmly bit his lower lip to restrain the smile from breaking free. 

"Y-yeah. . ."

Napansin ko ang pamumula ng kan'yang dalawang tainga ngunit hindi ko na lamang binigyang kahulugan iyon. Bagkus, kumuha na lamang ako ng burger sa paperbag,

"I. . . I want the one you are eating."

Bigla ay sabi n'ya while I'm unwrapping the burger. Natigilan ako and looked at him.

"May laway na to!" Halos mautal kong sabi. "Ito na lang isa, bago pa to. Bubuksan---"

"I still want it, Illara."

"Parang tanga!" kanda utal-utal kong sabi. "Puwede naman itong bago na lang, pareho lang naman, eh!"

He shook his head. "There is difference between them."

"A-ano?"

Tumikhim sya, "Your saliva." saad n'ya, hindi man lang ako sinusulyapan.

Before I could even process what he uttered, mabilis na kinuha n'ya mula sa kamay ko ang burger na may kagat na.

His right hand is on the steering wheel while the other hand is holding the burger. Nag-init ang pisngi ko nang nakangiti n'yang namnamin ang burger. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon na lamang iyon sa unahan.

Tangina, may laway ko yon! Hindi ba siya nacoconscious? Pano kung may rabis pala ako?

"I can see you in my peripheral vision. You're blushing." pang-aasar n'ya.

"Stop it, Akill."

Narinig ko s'yang mahinang tumawa. His laugh sounds like a beautiful melodic cascade of mirth that fills the air with a sweet serenade, enchanting all who have the privilege to hear.

Wala sa sariling napatitig ako sa kan'ya. I can't help but to admire him, his whole existence and every part of him. . . Napakaperpekto, walang kapintasan.

"You're distracting me, Darling."

Ano raw? Darling?!

"I'm distracting you ka d'yan." Umiwas ako ng tingin.

"Yes, you're distracting me kaya. You're staring at me as if I am the most handsome man you've ever seen."

"Mali ka d'yan, in english, you're wrong. Dahil ikaw ang pinakamasungit at pinakaintimidating na nakita ko sa buong buhay ko."

"Oh, that's why you were nervous when I ordered coffee, causing you to drop the coins."

"Grabe ka rin kasi makatitig, para bang gandang ganda ka sa 'kin tsaka crush mo na agad ako." saad ko dahilan para matawa s'ya.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now