Chapter 18

324 14 11
                                    

Chapter 18

Nang maramdaman kong parang kumalma na ako ay ako na mismo ang bumitaw sa mga yakap namin.

Taimtim na pinakatitigan ako ng lalaki ngunit hindi ako makaramdam ng pag-ilang o kahit ng kaba. Masyado akong nasasaktan kaya pakiramdam ko ay walang lugar ang mga iyon sa puso ko. Masyado akong binabalot ng sakit at kalungkutan ngayon.

"What else they did?" galit ang tono na sabi nya.

Umiling ako. "W-wala na."

Naramdaman ko na naman ang panunubig ng mata ko dahilan para magbaba ako ng tingin.

"Stop crying," malumanay na sabi nya. Hinawakan nya ang baba ko para bahagyang iangat ang mukha ko.

This man in front of me, he saved me thrice. And I don't know how I'm going to thank him.

"I'm here, they can't hurt you anymore. I'm going to protect you, Illara. Just like what I promised." he said, assuring me. Marahan nyang pinunasan ang bumagsak na luha sa pisngi ko. Ingat na ingat sya na para bang takot na takot syang masaktan pa ako.

"And I'm going to punish them for hurting you, for abusing you. Their hands should be the who will give you comfort and love, not instrument for abuse." dumilim ang mata nya matapos sabihin iyon.

I bit my lower lip to stop the tears from falling again. Nakahanap na ako ng kakampi, ng makakaintindi sa akin at sa nararamdaman ko.

"W-wag na, A-akill. H-hindi mo kailangan gawin yon---"

"No! Because of them, you are suffering. They've ruined you, Illara. And because of them, you are punishing yourself--- na hindi mo naman dapat ginagawa! I'm going to punish them. Mas triple, mas masakit, mas mahirap." kumislap ang galit at sakit sa kanyang mata. "I'm going to punish everyone who dare to hurt you."

"A-are you going to punish me too, Akill? " I asked when my eyes laid on my wrist. Punong puno ng sugat ang palapulsuhan ko, nagsisilabasan din mula roon ang pulang pula dugo. Kumikirot ito pero hindi ko inalintana iyon. This is nothing compared to the pain that may parents have caused.

Mapait na napangiti ako. Wala akong pinagkaiba sa kanila, I'm just like them. I'm hurting and punishing myself.

He cooped my cheeks. "Of course not. Why would I punish you, Illara?"

Sinalubong ko ang mga mata nya, punong puno ng lungkot ang mga iyon habang tinititigan ako. Tila may sinasabi ang mga ito ngunit hindi ko maintindihan.

"B-because... I'm hurting myself," unti unting humihina ang boses ko habang sinasabi iyon.

He didn't say anything, nakatitig lang sya sa akin at gano'n lang din ako sa kanya.

"Do you want me to take you to a  psychiatrist?"

My heart warmed. Ni minsan ay hindi ako nagawang dalhin ni mama sa psychiatrist kahit na pinapakiusapan ko sya. Dagdag gastos lamang daw ito at pag-iinarte. Bukod pa roon, sinasabi nya rin na karma ko na raw ito dahil sa pagsira ko sa buhay nya.

Umiling ako. "K-kaya ko pa naman, Akill."

Gusto kong matutunan munang tulungan ang sarili bago humingi ng tulong sa iba. That's the firt step I need to take, tulungan ang sarili.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now