Prologue

898 13 10
                                    

Trigger Warning: This chapter will contain strong language, curses, physical and emotional abuse, and other disturbing concepts that might trigger the readers

 
Prologue

"Saan ka na naman galing, Zenaida? Sa lalaki mo na naman ba, ha?!"

Rinig kong sigaw ni papa mula sa sala ng bahay. Hindi nya alintana kung may makakarinig o may mabubulabog na kapitbahay.

"Wag na wag mo akong mapagbintangan nang gan'yan, Dominic. Tangina, pagod ako galing trabaho tapos ito ang isasalubong mo sa 'kin?!" galit na sagot ni mama. "At kung mag salita ka akala mo hindi ko alam kung anong namamagitan sa inyo ni kumaring Neri." narinig ko ang pekeng pagtawa ni mama.

"Wag mo akong baliktarin, Zenaida. Hindi ako tanga para hindi malaman na pumunta ka na naman sa lalaki mo. Anong oras ba ang out mo? hindi ba't alas otso? Mag-aalas onse na, tapos kauuwi mo lang? "

"Nag over time ako, Dominic. Pagod ako kaya wag ka nang dumagdag."

Narinig ko ang malakas na pagkabasag mula sa ibaba kaya agad akong lumabas ng kwarto. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdan ay kita ko na ang basag na vase na nasa sahig.

They are fighting again,

Although I'm used to this kind of scenario, hindi pa rin maalis sa akin ang masaktan kapag nakikita silang ganito.

"Wag mo akong gawing tanga, Zenaida. Wag mo akong gawing tanga!" gigil na hinawakan nya si mama sa panga.

"Pa!"

Tawag ko kay papa, minadali ko ang pagbaba ng hagdan at dinaluhan sila. Baka kung hindi ako umawat ay mapagbuhatan nya ng kamay si mama.

"Tama na, pa." pakiusap ko. Seryosong tumingin sa akin si papa, ngunit nang ibalik nya ang tingin kay mama ay napuno ng galit ang kanyang mga mata. Nilagpasan nya kaming dalawa and head upstairs quietly.

"M-ma, a-are you okay? nasaktan ka ba?"

I tried to reach for her hand pero iniiwas nya lang iyon. She looked at me, parang paulit-ulit na pinipiga ang puso ko sa paraan ng pagpukol nya ng tingin sa akin.

She despise me.

"This is all your fault, Liele."

Mahigpit na napahawak ako sa laylayan ng aking damit nang marinig ang sinabi nyang iyon. Yumuko ako para itago ang dumaang sakit sa aking mukha.

"If I'd just aborted you before, hindi sana mangyayari lahat ng 'to." she said and turned her back.

Mapait na ngumiti ako.

Yeah right, If you'd just aborted me before, then maybe. . . maybe I don't need to feel this kind of pain, and... suffer like this.

Umiling ako para itaboy ang mga negatibong pumapasok sa isipan ko.

I need to be tough, not for them, but for myself.

Kumuha ako ng walis at pangdakot. Pagkatapos kong linisin ang nabasag na vase ay umakyat na ako sa kwarto.

Pabagsak akong nahiga sa kama. Wala naman akong ginawa maghapon, pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong pagkatao ko.

For every parent, having a child is often hailed as the best gift they could ever receive, a miraculous blessing that fills their lives with purpose and joy. However, in the case of my parents, this sentiment was shattered, leaving behind a haunting tale of despair and anguish.

For them, I was not a cherished gift but an agonizing burden—a mistake of colossal proportions that plunged them into a world of regret and shattered dreams.

I am an unwanted child. My mom despise me and wanted to abort me. Bago pa man ako isilang, inayawan na niya ako.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Kde žijí příběhy. Začni objevovat