Chapter 16

272 13 11
                                    

Chapter 16

Trigger warning: Mention of selfharm.

Niyakap ko ang sarili nang maramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko. We're standing in the side of seashore. In front of us is the dark vast ocean and the bright full moon. Bagaman ay gabi na ay kita pa rin namin ang dagat.

Matapos kasi ng naging sagutan nila, he drove me to a nearby seashore. Hindi ko alam kung bakit, pero baka gusto nyang pakalmahin ang sarili.

"Are you cold?"

Tanong nya. By the help of moon and lamp posts, it's easier for me to see his handsome face. Ganon pa rin ang mga mata nya, walang emosyon ngunit nakakalunod kapag nagawa ka nitong titigan.

Tumango ako bilang sagot.

"Wait for me here. Don't go somewhere else, mabilis lang ako."

Tinalikuran nya ako at naglakad palapit sa sasakyan. Nang makasakay ay mabilis nyang pinaandar ang sasakyan.

Binalik ko ang tingin sa madilim na dagat. Pinanood ko lang kung paano humampas ang malakas na alon habang hinihintay ang pagdating nya.

Makalipas ang ilang minuto ay may naramdaman akong malambot na tela sa ibabaw ng balikat ko. Kahit hindi ko lingunin ang nasa likuran ko ay sigurado akong si Akill iyon. Sa amoy pa lamang ng pabango na dumampi sa ilong ko ay sigurado ako roon.

"Saan ka nagpunta?" tanong ko.

"I just went at the nearest department store to."

Hinarap ko sya. "Binili mo to?" pagtukoy ko sa cardigan na suot ko. Its hue is white with a touch of ligh tblue.

Hindi sya umimik, abala sya sa paglatag ng malaking tela sa buhangin. Isa-isa nya ring nilalatag doon ang mga pinamiling pagkain na nasa paper bag.

"T-thank you," sambit ko dahilan para mapatingin sya sa akin.

"Sit here."

He tapped the space beside him. Sinunod ko naman ang sinabi nya, tahimik akong naupo doon.

"Do you like it?" tanong nya habang nasa dagat ang tingin.

"Y-yeah."

Hindi ko maiwasan ang mapahanga sa taglay nyang kagwapuhan habang tinititigan sya. Tila ba ang bawat parte sa kanya ay nagsusumigaw sa kaperpektohan.

Tahimik na naglabas sya ng isang kaha ng sigarilyo at nagsindi ng isa mula roon. I just watch how the cigarette between his index and middle finger bring it to his lips. He inhale deeply, and exhale with a sense of release.

"Naninigarilyo ka pala?" ani ko na bahagyang naubo pa sa usok ng sigarilyo.

Tinignan nya ako, "Y-yeah, kapag may iniisip lang."

Muli akong naubo. Nakita ko ang ginawa nyang pagbitaw sa hawak na sigarilyo dahilan para bumagsak ito sa buhangin. Inapakan nya pa ito upang apulain ang sindi nito.

"Bakit mo ginawa yon?" takang tanong ko matapos mapanood ang ginawa nya.

"Because you're coughing." balewalang sagot nito.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now