Chapter 19

325 11 11
                                    

Chapter 19

"Ano, Range? I already bought everything as you commanded. Nadala ko rin ang mga ito dito earlier than ten minutes. Kaya..." klinaro nito ang lalamunan. "beke nemen may gusto kang ibigay, wag ka nang mahiya. Pasko ngayon, tumatanggap ako." nagbababa't taas pa ang kanyang dalawang kilay habang sinasabi iyon.

"How about your body, Renglour, does it accept bullet? " Akill said using his monotone voice. Bumusangot naman ang lalaki dahil sa narinig.

Tinignan ko ang apat na kasama ni Lester na pinagigitnaan sya, pare-parehong nakasuot ng itim na suit ang mga ito habang may tag-iisang hawak na malaking paper bag.

Dumating ang mga ito rito wala pang 3 minuto ang nakakalipas--- na ipinagpapasalamat ko dahil nakatakas ako sa nakakabingi at hindi komportableng paligid kasama si Akill.

"Hi there, Miss." bati sa akin ng lalaki nang tumangos ang tingin nya sa akin. Naghalf smile lang ako bilang tugon. "Ay, walang hello back?" mas lalo itong bumusangot.

"Stop talking to her, Renglour, and just put all of that goddamn paper bags on the dining table. "

"Nagjajalosi--- Oo nga! Heto na at ilalagay na!" saad nito when Akill glared at him. Sinenyasan nya ang apat na lalaki na sumunod sa kanya na siya namang ginawa ng mga ito.

"Don't mind him. He's just goofy as fuck." matabang na wika nito.

"Ayos lang, tsaka mukha naman syang mabait."

Tumaas ang isang kilay nya at bahagyang kumunot pa ang kanyang noo. Hindi ko naman malaman kung paano nya nagagawa 'yon.

"Mabait?" mapaklang tanong nya, bahagya pang ngumisi na para bang naiinsulto. "Stop talking to him." sumeryoso ang mukha nya matapos sabihin iyon. "Let's go. We're going to eat your comfort food." hinawakan nya ang siko para tangayin ako sa paglalakad.

"My comfort food? " takang tanong ko habang naglalakad kami papasok ng dining room. I even tilted my head to face his direction.

"Yeah. I texted Renglour earlier to buy you those."

"Bakit?"

Nagkibit sya ng ng balikat. "I just thought that it might help you to lighten your feelings."

It feels like my heart is melting knowing that aside from George, there are other people who would do everything to make me feel better.

"You're such a crybaby," naramdaman ko ang mainit na palad nya sa pisngi ko. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Nagiging iyakin na ako sa harap ng lalaki!

"T-thank you, Akill."

"No problem, anything for my wife."

Pinigilan ko syang irapan. Bahagyang natawa sya nang mabasa ang reaksyon ko. Naramdaman ko ang pag init ng magkabilang pisngi ko kaya binilisan ko ang paglalakad upang maunahan sya sa paglalakad at maitago ang namumulang mukha ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam din kaagad si Lester at ang mga kasama nya dahilan para kaming dalawa na naman lang ulit ni Akill ang matira sa mansion.

Nang eksaktong alas-dose, niyaya ko si Akill sa garden area ng mansion so we could watch the fireworks display together.

I looked up. I couldn't hide the amazement while watching the colorful fireworks expand on the starlit night sky. Bahagyang napapatalon at napapapalakpak pa ako while witnessing the undeniable and breathtaking view.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now