Chapter 8

386 9 14
                                    

Chapter 8

Trigger warning: Self-harm. Mention of suicide and abortion.

Kinumagahan, hindi pumasok si George dahil nagkaLBM daw. Buti nga sa kanya, karma!

"Illara, wala naman si George, dito na lang ako, ha?" Si Jenelle. Hindi na nya ako hinintay sumagot, nakangiting naupo sya sa tabi ko.

"Wala na, perfect na si Jenelle sa quiz!" si David.

Napailing na lang ako. Dahil wala pa naman ang instructor namin sa unang subject ay nagawa pa nilang mag-ingay.

Nagbasa at nagsaulo na lang ako ng terms habang naghihintay sa instructor.

"Illara, pakopya mamaya, ha?"

Hindi ko sya pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagbabasa.

"Pumayag ka na, ibibili kita ng libro!"

"Anong libro?" Tanong ko, hindi pa rin sya tinitignan.

"Yung 'The tears that taught me'."

Tinignan ko sya dahilan para mapapalakpak sya sa tuwa. Alam na alam talaga kung paano ako mapapayag!

Ang mahal din kasi ng librong yon. Mahigit 900 pesos, ilang linggo ko na namang kailangan tipirin ang sarili ko kung sakaling bibilhin ko yon. Yung libro ngang 'The joy of Accounting' ay isang buwan kung pinag-ipunan, dalawang libo mahigit rin kasi ang presyo no'n.

Ngumisi ako. "Deal."

"Tangina, ang mahal no'n, Illara. Isang buwan mo talaga akong pakokopyahin nyan sinasabi ko sayo."

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay hindi nya na ako ginulo. Alam nyang pareho kaming mangangapa mamaya ng sagot kapag hindi nya ako binigyan ng katahimikan sa pagrereview.

As the instructor enter the classroom, kanya-kanya nang pulasan pabalik ng mga upuan ang mga kaklase ko.

Naging madali lang naman ang binigay na mga tanong kaya naperfect ko ang quiz. Gano'n rin si Jenelle na pinagyayabang sa klase ang nakuhang score. May ilang mga bumagsak dahil paniguradong mga hindi nagreview.

"Mayabang! kinopya lang naman kay Illara ang sagot." si Marcus.

"Bugok ka lang, eh." Jenelle fired back dahilan para mapuno ng tawanan ang bawat sulok ng classroom.

Nang oras na para sa lunch ay bumaba ako para magtungo sa canteen. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya huminto ako sa pagbaba ng hagdan at kinuha ang cellphone sa bulsa ng uniform ko. Nagsalubong ang kilay ko nang makita sa screen ng cellphone ko ang incoming call galing sa unknown number. Asar na sinagot ko iyon.

"Tangina mo talaga Georgena, hindi ka pa rin pala talaga tapos sa pang-iinis sa akin. Pasalamat ka at absent ka ngayon, dahil kung hindi ay nakalbo na kita kanina pa!"

Effort na effort talaga ang hayop! NagkakaLBM na nga't lahat nagawa pa din akong pagtripan. Blinock ko na nga yung isang number at talagang nakuha na naman magpalit ng sim para lang mainis ako.

I was about press the end button nang magsalita ang pamilyar na boses mula sa kabilang linya.

"It's me. Akill." Seryoso ang boses na sabi nya. Nalaglag ang panga ko sa narinig.

"A-akill, sorry. Akala ko kasi si George ka." nahihiyang sabi ko.

"I borrowed Nyx phone to call you."

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now