Chapter 24

270 9 5
                                    

Chapter 24

I slowly open my eyes, bagaman ramdam ko ang bigat ng aking ulo, maging ang talukap ng aking mata ay nagawa kong libutin ng tingin ang hindi pamilyar na silid. Purong puti at abo lamang ang makikitang kulay sa paligid dahilan para mapakunot ako ng noo.

This isn't my room. Nasaan ako?

Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko dahilan para tapunan ko ito ng tingin. Nanlaki ang mata ko nang bumungad ang mukha ni Akill. Mahimbing na natutulog ito na animo puyat na puyat ito kagabi. Bumaba ang tingin ko sa braso niya na nakayapos sa baiwang ko.

Did I fucking slept with him?! With his bed?!

Tuluyan na akong napalikwas mula sa pagkakahiga dahilan para pupungas-pungas na nagmulat ng mata si Akill.

"You're awake, darling--- What the hell?!" Mura nito nang binato ko siya ng unan.

"Anong ginawa mo sa 'kin?! Bakit nandito ako sa kwarto mo at. . . at katabi kang natutulog?!" Sigaw ko.

Matalim ang titig ko sa kaniya. Well, we're married and we're both have feelings for each other, but still hindi pwedeng ganito--- na tabi kaming matutulog!

"Calm down, darling. I didn't do anything." pang-aalo nito sa akmang pagpupuyos ko ng galit. "You're still having a panick attack nang umuwi tayo kagabi. I can't leave you in your room, because I'm scared that you'll do something wrong with yourself kapag iniwan kitang mag-isa. Kaya, dinala kita rito sa silid ko. Binantayan kita magdamag and I didn't know na nakatulog ako. It wasn't my intention to slept with you." mahabang paliwanag nito na ikinakalma ko naman.

Napansin ko ang pangingitim ng ilalim ng kaniyang mata kaya alam kong nagsasabi siya ng totoo.

"I'm sorry, darling. Galit ka ba?" tanong nito gamit ang malamyos na boses.

Nakagat ko ang sariling labi. "Bakit kasi kailangang dito mo pa ako dalhin? Bakit hindi na lang sa kuwarto ko?!" salubong ang kilay na sigaw ko pa.

"Nakalock ang kuwarto mo. And I don't have any keys on your room."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"H-ha?" ang tanging lumabas sa bibig ko.

Papaanong wala siyang susi sa kuwarto ko, e samantalang pag-aari niya ang mansion na ito?

"Pinasadya ko 'yon." naiusal niya na tila ba nabasa ang nasa isip ko. "Tanging si manang Asmin at ikaw lang ang may susi ng silid mo, because I don't want to invade your privacy." nag-iwas siya ng tingin. "Dahil baka kapag may susi ako sa silid mo ay pasukin kita habang tulog ka, and I couldn't control myself."

Nalaglag ang panga ko sa narinig.

Putangina?!

After that scene in Akill's room, I go to my room para maghanda sa pagpasok sa iskwela. I didn't know how I survived that moment because after Akill uttered those words, pareho kaming natahimik. Mabuti na lang at may tumawag sa kaniyang cellphone na ipinagpasalamat ko naman sa isip ko.

Matapos maghanda ay bumaba ako para dumeritso sa dining room. Nadatnan kong seryoso lamang na nakaupo sa harap ng hapag si Akill, ngunit nang mamataan akong naglalakad palapit sa kaniya ay malapad na napangiti ito.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now