Chapter 23

277 11 8
                                    

Author's note: Sorry kung natagalan ako, katatapos lang kasi ng exam namin sa finals. Plus, may mga pending activities akong inunang gawin. Marami rin kaming kinailangan sagutan sa quipper. Actually, may naisulat na ako 5 days ago, pero hindi ko muna ipinagpatuloy dahil mas inuna ko ang mga kailangan kong gawin. Anyway, we're going to reach 4k reads, and I'm really really thankful to you guys. Congrats satin!

Chapter 23

"A-Ach?"

Tumango ako. "Masyadong mahaba ang pangalan mo, e. Kaya kinuha ko na lang ang first letter sa name mo."

Ngumiti siya. "This is the first time that someone made a nickname for me."

The pain in his eyes disappeared, it was now canty and calm. Tila umalpas na ang alon ng lungkot sa kaniya.

"I should also think of nickname for you."

Umiling ako dahilan para pagtaasan niya ako ng isang kilay.

"Why not? You call me Ach! Kailangan may itatawag rin ako sayo."

Wow, uso pa ba ang gano'n ngayon? God, we're already in 20th century.

"Ayos na yung 'Darling', Akill." Saad ko dahil baka may kung ano pa siyang maisipang itawag sa akin na ika-bad trip ko lang.

"Really? So that means you liked it?" Ngiting ngiti niyang sabi. "I scrolled on the internet and even searched on google last night just to find a quiet not common call sign. I guess it was all worth it since you liked it."

"Wala akong sinabing nagustuhan ko. Wala lang talaga akong choice, 'no."

Nagusot ang mukha niya sa narinig.

"You're hurting my feelings, Darling."

"Baka nakakalimutan mo, nasa harap tayo ng puntod ng magulang mo. Nakikita nila kung paano ka mag-inarte."

Tumagos ang tingin niya sa likod ko. Paniguradong ang puntod na ng kaniyang magulang ang minamata niya.

"If they were still alive, they would surely like you."

Matapos niyang sabihin iyon ay binalik niya ang tingin sa akin. Ang kaniyang mga mata ay punong puno ng paghanga, nangungusap rin ang mga iyon.

"Because aside from being incredibly beautiful, your heart is also filled with kindness. You have a beautiful soul, Illara. . . And I'm really grateful to have you in my life."

In my entire life, those words are the most beautiful I have ever heard. . .

That my existence wasn't a burden or a curse for someone. Instead, it was a beautiful gift. . .

But just like the sea, our lives ebb and flow, after each calm and tranquil moment, a new wave is approaching.

I was sitting alone and staring outside the restaurant. Malakas ang buhos ng ulan na tila ba galit ang panahon ngayon. Ang ilan sa mga tao ay nagmamadali sa paglalakad upang makahanap ng masusukuban. Habang ang ilan naman ay banayad lamang na naglalakad as if they were appreciating the scenery.

Napanguso ako nang wala pa rin akong mataganggap na mensahe mula kay Akill. Date namin ngayon, at dahil may kailangan siyang asikasuhin sa opisina ay baka malate siya ng dating. He informed me that bago pa man ako dumeritso rito pakatapos ng klase.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now