Chapter 4

339 9 5
                                    

Chapter 4

As I glanced at my quiz score, a wave of disappointment washed over me, but I quickly reminded myself that I had no right to feel this way. Kasalanan ko to. Hindi ako nagreview.

Pero kahit anong pangaral ko sa sarili ko at paulit-ulit na tinatatak yon sa isipan ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang makaramdam ng pagkadesmaya.

With each incorrect answer, a pang of self-doubt pierced through my determination. I questioned my intelligence, my capabilities, and my worth as a student.

I anxiously fold the paper at tinago iyon sa bag ko when I saw George starring at me.

The tears welled up, threatening to overflow and expose the vulnerability that I had fought so hard to keep hidden.

"Kamusta score mo?"

"A-ayos lang," pilit akong ngumiti. Hindi na rin sya nagtanong o umimik kaya sinubsob ko na lang ang mukha ko sa armchair.

Naging tahimik ako buong klase, bagaman pansin ko ang pagsulyap sa akin ni George ay hindi ko iyon pinansin. Naging napakabilis ng oras, nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad papuntang school canteen kasama si George.

"Kanina ka pa tingin nang tingin, para kang tanga." wika ko nang mapansin ang pagtitig nya habang kumakain ako. "Crush mo na ako, 'no? Straight ka na nyan?"

"Nag-aalala lang ako," he said then gave me a disgusted look. "Tsaka hindi tayo talo, uy! Pareho may lawit ang ating nais."

Mahinang tumawa ako.

"Ano ka ba, ayos lang ako. Strong independent woman ata to, 'no!" I said, even though I'm not. It's just, I have to because I have no choice.

Naglalakad kami pabalik ng Accounting Department nang maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko. Kumunot ang noo ko nang makitang si mama ang tumatawag.

Hindi naman sya tumatawag sa akin, unless may importante syang sasabihin o ibibilin. I hurriedly press the answer button.

"Ma, bat ka po napatawag?"

Lumingon sa akin si George nang marinig ako. Sumenyas ako na umuna na sya paglalakad na sinang-ayunan nya lang ng pagtango.

Narinig kong may sinasabi si mama sa kabilang linya pero hindi ko yon gaanong maintindihan dahil sa ingay ng mga estudyanteng naglalakad sa hallway. May mangilan-ngilan pa ang nakakabangga sa akin dahil sa pagmamadali.

"Sandali lang ma, maghahanap ako ng tahimik na lugar. Wag mong ibababa."

Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating sa Engineering Department kung saan mangilan-ngilan lang ang mga estudyanteng naglalakad at nakatambay sa hallway.

Nakuha ang atensyon ko ng dalawang estudyanteng lalaki na nakatambay rin sa hallway, pamilyar ang mukha nila. Nakita ko kung paanong bahagyang sikuhin ng nakasalamin ang katabing lalaki. Pinasadahan ko ng tingin ang lalaki, singkit ito at maputi.

Narinig ko ang pagtawag sa akin ni mama mula sa kabilang linya kaya naagaw nito ang atensyon ko.

"Opo ma, andito pa rin ako. Bakit po kayo napatawag? May problema ba?" tanong ko. Ibinaling ko ang tingin sa suot kong sapatos.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now