Chapter 20

329 10 10
                                    

Chapter 20

After that december break, research defense agad ang sumalubong sa amin. At pakiramdam ko ay unti-unti nang sumasang-ayon ang tadhana sa akin when George and I, successfuly defended our research. Tuwang-tuwa kami ni George and even our classmates too dahil para kaming mga nabunutan ng tinik.

"Tapos na ang araw ng paghuhukom!" Marcus said, nakataas pa ang dalawang kamay sa ere.

"Isa lang ang masasabi ko, totoo ang Diyos! " si Jenelle na ginaya pa ang ginawa ni Marcus.

"Ang O-OA!" sigaw ni George.

Pinanood ko lang silang mag-asaran at magsaya. Later on, they started planning to throw a party at Jaydee's condo tonight. I even heard some of my female classmates talking about what they were going to wear later. All of them are planning to come, except for me. I don't do parties; I hate crowded and loud places.

"Illara, sumama ka!" Jaydee said dahilan para lingunin at tignan ako ng mga kaklase namin. Obviously, they already knew my answer, but they still tried to convince me.

"Oo nga girl, gumimik ka rin kahit minsan. Don't take your studies too serious. Sige ka, baka maloka ka." si Michelle.

"Ang hindi pumunta maasim!" sigaw ni Kevin.

"Kahit hindi pumunta si Jenelle maasim na s'ya!" sigaw ni Marcus dahilan para nanlilisik ang mga matang tignan sya ni Jenelle.

"Tangina mo! Hindi ako maasim, kahit tumira ka pa dito sa kili-kili ko."

Nagbardagulan pa ang dalawa ngunit hindi naman sila pinansin ng mga kaklase namin dahil nasa akin pa rin ang atensyon ng mga ito.

Umiling ako dahilan para sabay sabay silang manlumo.

"Fourth year na tayo next year, pero ni minsan hindi ka pa namin nakasamang gumimik." nakangusong sabi ni Mica.

"Kapag hindi ka pumunta, hindi rin ako pupunta. " bigla ay sabi ni George sa tabi ko dahilan para samaan ko sya ng tingin.

"Ay teh, ako rin! "

"Ako rin!"

"Hindi tayo pupuntang lahat kapag hindi pumunta si Illara!"

In the end, napapayag nila ako by guilt tripping me. Kung hindi lang talaga ako marunong makonsensya ay hindi ako pupunta. I'd rather stay at the mansion than go to that party. Pero dahil um-oo na ako sa mga kaklase ko ay wala akong choice kundi ang pumunta. Isa pa, wala naman sigurong masama if I let myself enjoy and let my brain rest just for once.

"Illara, saan ang punta mo?" si kuya Nyx nang mamataan akong pababa ng hagdan. Matapos rin kasi ang disyembre, kaagad na bumalik ang mga tauhan sa mansion. At katulad ni Akill ay pare parehong busy na naman ang mga ito.

"Sa condo po ng kaklase ko, kuya. May party po kasi, lahat kaming magkaklase pupunta roon." sagot ko.

I'm wearing a white spaghetti strap na pinatungan ko ng cardigan na bigay ni Akill. Sa pang-ibaba naman ay simpleng wide leg pants at 3 inch white heels. On my right hand, I'm holding a white pouch bag. I'm really into white and light blue color, because it reminds me of vast sky and calm sea.

"Mag papahatid ka ba?"

Tumango ako.

"O sya sige, sandali lang at ihahanda ko ang sasakyan." Umalis ito sa harap ko at naglakad palabas ng mansion. Kinuha ko ang cellphone sa pouch na hawak ko at mabilis na nagtipa roon ng mensahe.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now