Chapter 17

370 13 12
                                    

Chapter 17


Trigger warning: Self-harm, suicide attempt and mention of suicide.

The days passed by like a wind, tapos na ang midterms at kasalukuyang ini-enjoy ko ang dalawang linggong sembreak. Malaking bagay na rin para sa akin iyon dahil bago matapos ang midterms ay puro pagsusunog ng kilay ang ginawa ko.

Nakagat ko ang ibabang labi nang malagyan ng sabon ang sugat ko. Mahapdi iyon dahilan para mabalik ako sa reyalid.

Kasalukuyan akong nasa loob ng banyo, naliligo. I glance at my wrist, I've made another two majestic lines on it. Sobra kong dinibdib when my research paper failed to accomplish the best research award. In-announce iyon kahapon.

I'm still on the dean's list at mataas ang average pero wala, hindi ako makaramdam ng tuwa. I know I can do better, kaya kong makuha 'yon. Sadyang naging pabaya ako. Kung siguro nakatira pa rin ako ngayon sa bahay at kasama sila mama, they will surely get disappointed. At panigurado rin na makakatikim ako ng mga masasakit na salita.

Pero kahit ganon, hindi ko maiwasang makaramdam ng pangungulila. Parang. . . parang may parte sa puso ko na may kulang. . . na may hinahanap.

Matapos maligo ay lumabas ako ng banyo at nagbihis. Hindi pa rin mawala sa isip ko sila mama at papa kaya naisipan kong i-stalk sila sa facebook.

Bagay na sana ay hindi ko na lang ginawa.

When I checked my father's account, nakita ko ang latest upload nya. Dalawang picture sa isang post. Ang unang picture ay simple lang, kasama niya ang isang babae na sa tingin ko ay bagong kinakasama niya.

Ang pangalawang picture naman ay picture ng isang pregnancy test na may positive na result.

Binasa ko ang caption. 'I'm going to celebrate christmas tonight with unexplainable joy because of the two of you.'

Mapait na napangiti ako dahil sa nabasang caption.

Sunod na in-stalk ko si mama, halos kapusin ako ng hininga nang makita ang ilan sa mga post nya. Kitang kita sa mga mata nya ang tuwa habang kasama ang dalawang anak na babae ni tito Isolde. May ilang picture pa na magkasama silang apat habang nasa park.

Gamit ang nanginginig na kamay, buong tapang na nagscroll pa rin ako. And then I saw a family picture of them with the caption of 'contented'. Doon na ako tila pinanghinaan ng loob na tignan pa ang ilan sa mga larawan nila.

Mapait na napangiti ako. They look. . . so happy without me, bagay na kailanman ay hindi ko nakita sa kanila noong magkasama pa kaming tatlo sa iisang bahay.

Naramdaman kong nag init ang sulok ng aking mga mata.

Bakit ko ba inisip na baka apektado sila sa pagkawala ko sa buhay nila? Bakit ko ba inisip na baka nagsisisi sila sa ginawa nilang pang aabandona sa akin? Bakit ko ba inisip na baka... baka tulad ko ay namimiss rin nila ako. Na baka... hinahanap rin nila ang presensya ko.

Sinabunutan ko ang sarili. I thought people are harsh, but I realized that my mind are harsher.

Paulit ulit kong sinabunutan ang sarili.
I want to avoid the negative thoughts inside of my head. I even tried to remember

George...

Kuya Nyx...

The people who look up on me in the university...

My dream about becoming a CPA...

Akill...

Just to stop myself from thinking about hurting myself again. But it wasn't enough!

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1حيث تعيش القصص. اكتشف الآن