Chapter 52 I Love You

2K 48 0
                                    

Chapter 52 I Love You


***MICAH POV***

KUNG kanina, marami akong nakikitang tao, ngayon ay mas dumami na. Nakasuot silang lahat ng napakagarang damit. Sobrang gara. Ang classy pa nga e!


Wala akong panahon para titigan sila, may tao pa ako na kailangang hanapin bago magsimula ang pagpapakilala. Inikot ko ang mga mata hanggang sa makita ko siya.


DUG DUG


Kagaya ng dati, bumilis na naman ang pagkakatibok ng puso ko. Sobrang bilis. Nagpatuloy ako sa paglapit, ang nakakainis na paa ko, ang bagal ng paghakbang.


Saglit akong tumigil. Muli akong nakaramdam ng sobrang sakit. Na parang may mga karayom na bumabaon sa puso ko. Malilit at sobrang dami. Itong mga mata ko, nagsisimula na namang humapdi. Kasi naman, nasa harap ko siya tapos may babaeng yumayakap sa kanya. Maganda siya, glamurusa.


I bite my lower lip. Tama ba itong ginagawa ko? Tama ba na pumunta ako sa party kahit na alam ko na ending?


Huminga ako ng sobrang lalim. I have to face him! I have to confess my true feeling kahit na nandirito ang babaeng pakakasalan niya!


Mabibigat ang mga hakbang na lumapit ako sa kanila. Gusto ko talagang paghiwalayin silang dalawa, tapos feel ko ding punit-punitin ang damit ng babae kaso hindi ako ganun kabrutal! =__=


"Excuse me." mahinang sabi ko.


Unang napatingin sa akin ang babae. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa anyo niya.


I tried to calm myself. "Can I talk to him?"


Humiwalay yung babae kay Louie. Si Abnoy naman napatingin din sa akin. Ewan, para kasing may nakikita akong kasiyahan sa mga mata niya.


"You're here l..."


"Can I talk to you outside?" putol ko sa balak niyang sabihin. Kailangan ko nang masabi ang lahat ng ito bago pa ako umiyak sa mismong harap niya.


"A..." tinitigan saglit ni Louie yung mapapangasawa niya na parang nagpapaalam ito.


I bite my lower lip. Ang sakit naman nito! Lantarang sweetness? Pwede naman na mamaya na yun kapag wala na ako?! >__<


"M-mauuna na lang ako sa labas. I'll wait there." tinalikuran ko na siya at mabibilis ang mga hakbang na tinungo ang labasan.


Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa matalino kong utak. Kung bakit hinahayaan ko ang sarili na masaktan ng ganito!


I'm darn stupid! So stupid to let myself be like this! But yet, there's one part of me telling me that I do the right thing.


BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon