Chapter 18 A Kiss

1.2K 50 0
                                    

Chapter 18 A Kiss

***MICAH POV***

"ONE, two, three, say cheez."

Naki-cheez narin kami maliban na lang sa pinsan kong pinagkaitan ng happiness. Kelvin Clent Ortiga! Mabilhan ko kaya ng coke, baka sakaling ngumisi siya.

Teka... =__=

Ang creepy! >__<

Iisipin ko pa lang si Kelvin na ngingiti ng ganun, parang kinikilabutan na ako.

Ahemm, bago ko nga pala makalimutan, nasa labas na kami nitong beach. At nag-pa-pa-picture. Sinu-sino? E di kaming lahat. Kasama ang bruhildang si Cathy! +___+

"Isa pa Manong!" nakangiting sigaw ni Abnoy. "Change position na po!" ^__^

Kaya naman hayun nga, nagpalitan kaming lahat. Sa akin siya tumabi, inakbayan pa nga niya ako.

"H-hoy!" O///o

"Huwag kang makulit mahal." Nangingiting saway niya.

Argh! Ang sarap sikuhin! Feel free ang Abnoy na ito! +__+

"Zyle, sa mahal kong si Micah ka na lang tumabi." Smiling face parin si Louie habang kinakausap si Insan.

Nakaramdam ako ng kaba lalo na nang magtama ang mga mata namin ni Insan. Ang siraulong si Abnoy. Pinagtatabi niya kami! >__<

"Is it okay Zyle?" Nakangiting paalam ni Abnoy.

Gumanti din naman ng ngiti si Insan, ngiting tila hindi abot sa mga mata niya. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Hanggang ngayon ay galit parin siya.

Bweno, sino ba naman kasi ang matatauhan kaagad. Iyong mawawala ng agaran ang galit kung kasisimula niyo pa lang mag-away. Syempre, aabuting ng oras o araw siguro. Maliban na lang kung... may halaga kayo sa isa't isa.

Si Insan... may halaga kaya ako sa kanya? >__<

"One..."

Napatingin ako kay Insan, nakangiti na siya. Sunod kong tinitigan ang kamay naming dalawa. Magkadikit iyon. She holds my hand.

"Two..."

"Sorry about earlier Insan..."

Parang gusto ko na namang umiyak, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa sobrang kasiyahan.

Okay na kami! >__<

"Three..."

"Huwag ako ang titigan mo, look at the camera." Aniya.

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now