Chapter 15 His Confession, Her Dirty Thoughts

1.4K 51 7
                                    

Chapter 15 His Confession, Her Dirty Thoughts

 

***MICAH POV***

INILATAG ko ang dalawang kamay sa tubo, sabay patong nitong baba ko doon. Pinagmasdan ko ang kapaligiran.

Ang kalangitan, kulay itim ito at napakaraming bituin. Hindi ko mapigilan ang sarili na pagmasdan sila. Ang ganda kasi.

Ipinikit ko ang mga mata, sabay dama sa hanging tumatama sa mukha ko.

Kahit yung simoy ng hangin, ang bango. Damang-dama ko ang lamig nitong beach! ^___^

Naimulat ko nang hindi oras ang mga mata matapos kong maramdaman ang kung anong bagay na tumama sa likod ko. Malambot ito at napakabango.

Hinanap ng mga mata ko kung ano yun. Isa yung jacket. Ang may-ari? Hindi ko na kailangang manghula pa, alam ko na siya ito. Amoy pa lang niya detect na detect nitong matangos kong ilong. ^__^v

Tentenenen...

It's Louiege Gosiaocu!

 

"Para saan to?" tukoy ko sa jacket.

"Baka lamigin ka..." Nakangiti niyang sagot, mukha siyang nagpapa-cute.

"S-sira..." >////<

Aminin  ko man o sa hindi, pinapakaba ako ng smile niya. Aish! Ganito siguro kapag nagkakagusto ka na! Pinapakabog ng husto ang puso sa isang sobrang, walang ka-effort-effort na bagay! Na parang ang laki na nun kahit hindi naman! =__=

Aish!

Hindi ko mapigilan ang mapangiti na lang.

Nagtataka na ba kayo kung nasaan na ako? Ahemmm, bweno... ganito kasi yun, hindi kami bumalik ni Abnoy sa mga silid namin. Pasyal-pasyal muna pag may time. Hindi kasi ako makatulog! Ewan ko ba kay Abnoy kung bakit siya nandito. >__<

Tsk! =__=

"Ganito talaga kapag nagmamahal." ^__^

Nagmamahal?

Nagmamahal?

Muli akong napatingin sa kanya, kaso sa pagkakataong ito, hindi na siya nakatingin sa akin. Nakatanaw na siya sa malayo.

Para kasing sinagot niya ang bagay na tumatakbo sa utak ko. New powers ba niya ito? Maliban sa pagiging abnormal niya? Ngali-ngaling batukan ko ang sarili. Hindi gumagana e!

Pero... Speaking of pagmamahal...

"Louie..." ?__?

"Hmm?" he looks at me.

"Do you... really like me?" gustong kong mamula sa sobrang hiya. Itong bibig ko kasi, hindi mapigil sa pagtanong. Pero... gusto ko lang naman na makasiguro!

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now