Chapter 2 Saves by Him

2.7K 69 0
                                    

Chapter 2 Saves by Him

***MICAH POV***

"MAGKAKILALA kayo Micah?" kunot-noong tanong ni Cathy.

"Ha?" Napatingin ako sa dalalawang babae. Bakas sa anyo nila ang labis na pagtataka.

"Do you know each other insan?" *it's Zyle.

"A... e..." muli akong tumingin sa lalaki. Titig na titig din ito sa akin. "O-oo."

"Saan?"

Binundol itong dibdib ko ng kaba.

Ano ba ang dapat kong gawin? Sasabihin ko ba sa kanila na aksidente kong nahalikan kanina ang lalaking bagong dating, sa book store?

No! >__<

Tiyak kong pagtatawanan nila ako!

"A-ano..." muli akong napatingin sa kanya. "S-sa National Book store." Nakangiti siya at ang lapad pa ng smile niya. Argh! Nakakainis ang bruhong ito! I gave him my evil look.

Try niya lang umamin kakatayin ko talaga siya ng  buhay! +__+

 

"Nandoon ka pala Keyn." *Cathy.

Kakasabi ko pa nga lang. Ang bright a!! =__=

"Oo."  Tipid kong sagot, sabay upo.

"Ano naman ang ginagawa mo doon?"

"Kumakain ng ice cream." Pamimilosopo ko.

Di ko feel e!

"What?"

Sa gilid nitong mga mata ko, nakita kong masama ang pagkakatingin sa akin ng butihin kong pinsan. Hmp.

E sa hindi ko feel ang bff niya, may magagawa ba siya doon? Tsk! +__+

"Nothing." Bored kong sagot, sabay abot sa nananahimik na cupcake.

"A... okay..." sagot ni Cathy.

Spell awkward. K-A-M-I-N-I-C-A-T-H-Y

"So where were we?" Untag ko sa lahat, ayoko ng madaming satsat. Dapat direct to the point para tapos ang usapan.

"Bakit naisipan ninyong mamasyal? At bakit kailangan na sumama pa ako?" =__=

"Micah!" saway ng pinsan ko.

I just shrug my shoulders. "I'm tired of dramas." =__=

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now