Chapter 49 Fairytail

1.1K 40 0
                                    

Chapter 49 Fairytail

***MICAH POV***

NANGALUMBABANG tinitigan ko ang laptop ko. Lahit ni isa ay wala akong maisulat. Ni period o comma man lang ay wala talaga! Pahinamad na sinara ko na lang iyon . Nakakainis ang utak meron ako. May talino naman kaso hindi ko magamit. Mental block stage na ako!


>__<


Ginulo ko ang buhok ko. Baka sakaling may maisip ako kaso wala talaga, kaya naman inikot ko ang swivel chair ko, kaso ganun parin. Nahilo lang nga ako.


I sigh. Tiningala ko ang kisame, ang nakakainis na partre muling lumitaw ang imahe ni Abnoy. Sa sobrang inis ko ginulo ko ulit ang buhok ko.


*TOK TOK TOK*


Itinigil ko ang ginagawa. Nag-ingay na naman kasi ang pinto. Pahinamad na tinungo ko iyon, sabay bukas nun. Si Manang ulit.


"Bakit po?" ?__?


"May naghahanap sa iyo sa baba senyorita." *yuko


"Manang, bakit sa sahig ka nakatingin?" matagal ko na itong napapansin, magmula nang tumuntong ako dito. Hindi niya kasi ako tinititigan. Napapangitan yata sa akin! Tsk! Ito ang isa sa mga dahilan ko kung bakit minsan lang ako umuwi sa bahay, weird kasi ang mga katulong namin dito. =__=


"Hindi ho maaari senyorita." *yuko* *pormal*


"Bakit?" =__=


"Bawal kaming tumingin sa inyo senyorita." *yuko*


"Sino ang may sabi?" =__=


Pasimple ko siyang tinitigan, napakailap ng mga mata niya.


Takutin ko kaya si Manang! *evil grin


"Palalayasin ko kayong lahat kapag yuyuko kayo sa tuwing kakausapin niyo ako." *evil grin*


"H-ho?" napatingin siya sa akin bigla. Natawa tuloy ako. Tatawa-tawang lumabas na ako ng room ko.


"Nasaan na po yung naghahanap sa akin?" ^__^


"N-nasa sala po senyorita..." *yuko


"Manang!" banta ko.


"H-ho?" angat ulit ng tingin.


Natawa na naman ako. "Nothing." Nangingiting tinalikuran ko na siya. Buti na lang nandiyan siya, kahit papaano may nakakalimutan ako. Kahit na, panandalian lang...


Nakaramdam na naman kasi ng lungkot ang puso ko. Aish! Tinungo ko na ang ang sala.


BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now