Chapter 12 In Denial

1.3K 48 0
                                    

Chapter 12 In Denial

 

***MICAH POV***

TUTOK na tutok ang mga mata ko sa pinsang kong babae na ngayon ay katabi ang kababata naming si Mhar Anthony, they were talking nonsense stories.

Tsk! =__=

Bago ko nga pala makalimutan, nasa loob na kami ng Van. Pito kami ang nakasakay. Tig-dalawa sa unahan at ikalawang lane ng upuan.

Yung nasa unahan, it's Mhar Anthony, siya ang driver namin. Katabi niya si Zyle, ang pinsan kong sobrang weird. P.S. baka maguluhan kayo, ang tunay niyang pangalan ay Krezyl Zane, kaso marami siyang nickname, one of it is KZ and Zyle.

Yung nasa gitnang bahagi ng upuan, it's Kelvin Klent, Kelvin for short. Katabi nito si Cloud. Tulog si Kelvin samantalang ang kapatid niya ay abala sa paglalaro ng sarili niyang phone.

Aish! Isip bata talaga! Always! =__=

"M-mahal..." >__<

Nanayo yung balahibo ko matapos marinig ang napakalanding boses ng katabi ko.

Before I forgot, ang nasa bandang hulihan ay ako. Tsk! Yung katabi ko? Siya ang pinaka-epal na nakikisakay sa amin. Isama niyo na ang pinsan niya na kung makatitig sa kababata ko, na parang papatayin niya.

Tsk! =__=

Sobrang abala ang mga mata ni Vincent sa kakatitig ng masama kina Insan at Anthony. Sobrang halata na nagseselos siya!

Tsk! So I guess he likes my cousin! =__=

Sobrang halata kanina. Nakita ko kasi yung munting moment nila matapos kong lumabas ng silid.

Yung nainis si Insan, tapos tinakot niya si Vincent na hindi sasama, ayon na nga, sa halip na umangal hinolding hands niya si Insan.

Something smells fishy! +____+

"Mahal... pansinin mo naman ako." Ani Abnoy, dinutdot yung tagiliran ko. Syempre dahil may kiliti ako don, napapaigtad ako.

"Umayos ka ngang Abnoy ka!" angil ko.

Kulang na lang umusok ang ilong ko nang dahil sa sobrang inis. Pasalamat siya, pingot sa tenga lang ang nakuha niya mula sa akin. Kung hindi ko lang nakita sina Insan, baka pating future niya binasag ko pa! +____+

"Mahal naman!" >__<

"Huwag mo akong matawag-tawag na mahal! Kung ayaw mong kainisan kita lalo!" +___+

Hindi pa kaya ako nakaka-get over sa ka-abnormalan niya kanina! Pinasok niya ang silid ko... kaya naman... kaya...

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now