Chapter 48 Come

1.1K 40 0
                                    

Chapter 48 Come


***MICAH POV**

***AT NIGHT***

ISINARA ko ang kurtina pagkakita ko na hindi parin tumitila ang ulan. Medyo malakas ito. Nakikisama yata sa inis na nararamdaman ng puso ko.


Ang kulimlim! T__T


I sigh.


Ibinagsak ko nalang ang katawan sa kama ko. Left and right lang. Panay ang kaka-the-move ko ng ganun hanggang sa magsawa ako.


Muli akong bumangon at tinitigan ang paligid. Hanggang ngayon blangko ang utak ko. Aksidenteng napatingin ako sa mesang katabi nitong kama ko. May nakalukot na papel don na kulay pink.


Pagkakita ko don nakaramdam ako ng sakit at lungkot. Wala sa sariling kinuha ko iyon at tinitigan ng maigi.


"Ano kaya ang laman mo?" pilit akong ngumiti habang dinadama ito. "Ano ba ang pangalan ng magiging fiance mo Louie?" I bit my lower lip. I feel like crying. Ang hapdi na rin ng mga mata ko.


Ipagpaumanhin ninyo kung itong papel ang kinakausap ko. Hiyang-hiya naman ako kung ang mga maid ng bahay ang tatanungin ko kung pwede naman itong papel. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin natitingnan ang laman.


>__<


Bakit? Kasi natatakot ako sa maaari kong makita. Paano na lang kung kilala ko pala ito?! Tapos... tapos magawan ko yun nang hindi maganda? Uso pa naman ang salvage, syempre hindi ko gagawin ang ganoong kabrutalan!


"Ano ba talaga ang laman?!" muli kong ibinagsak ang katawan sa kama, sabay taas ng dalawang kamay habang tinititign ang papel kong hawak.


Sira na yata ako, curious ako sa laman pero hindi ko magawang buksan! Aish! >__<


*TOK TOK*


*TOK TOK*


*TOK TOK*


Naibaba ko ang papel. Sunod kong tinitigan ang pinto.


Ang ingay! =__=


*TOK TOK*


*TOK TOK*


Inilapag ko na lang ulit sa mesa ang card, sabay tungo sa pinto at binuksan yun.


"Magandang gabi senyorita." bati ni... A.... hindi ko alam ang pangalan basta isa siya sa mga maid namin.


Ahemm, nasa bahay na kasi ako. Umalis muna ako sa condo ko kasi darating daw sina mama at papa. Hindi ko naman tiyak kung kelan.

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon