Chapter 19 Truth or Dare

1.1K 47 0
                                    

Chapter 19 Truth or Dare

 

***MICAH POV***

"TRUTH or dare Kuya Kent?" Nangingiting tanong ni Cloud, matapos matuon yung dulo ng bottle sa Kuya niya.

Isang napakaseryosong TRUTH ang sagot ni Kelvin, nakakapanindig balahibo. Superb! >__<

"Do you love me Kuya Kent?" ^_____^

Tinitigan muna ni Kelvin si Cloud. "No." =__=

"I love you too Kuya." Tila walang narinig na sabi ni Cloud. Ngiting-ngiti parin.

Naaawa na talaga ako sa kanya, masyadong bullied kay Kelvin! >__<

Ahemm, bago ko nga pala makalimutan, nasa labas kami ng beach at nag-iinuman kasama ang mga pinsan at mga asungot. You know na kung sinu-sino sila.

Gabi na kasi e! ^__^v

Inikot na ni Kelvin yung bote, sa kasamaang palad sa akin tumama.

Ang malas ko naman! >__<

"Mahal, ang swerte mo." sabi ni Abnoy sabay akbay sa akin. Ang sarap niyang batukan.

Swerte? Saang banda ang swerte? Malas kamo! >__<

Hindi ko na lang siya pinansin, sinulyapan ko si pinsan Kelvin. Alam niyo ba ang ginagawa niya? Tinitigan lang ako. Argh! Nakaramdam ako ng panginginig ng katawan. Nakakatakot yung tingin niya! >__<

"D-Dare." kinakabahang sabi ko kahit na wala namang tinatanong si Kelvin. Uunahan ko na lang siya. Tiyak na aabutin kami ng ilang daang-tanon bago niya itanong ang ka-kornihang ito.

Tumayo yung balahibo ko nang may kumawalang ngiti sa labi niya. Sobrang liit nun pero nakakatakot. Na parang may hindi idudulot na maganda.

"Introduce your boyfriend." malamig niyang sabi.

Itong puso ko binundol na naman ng kaba. Mukhang mapapaamin na ako ni Insan Kelvin. Pasimple kong sinulyapan si Louie, para siyang natitigilan. Yung kamay niya sa balikat ko, tinanggal niya yun.

"Kuya Kent..." Kunot noong sabi ni Cloud, titig na titig kay Kelvin. "Keyn told us that she doesn't have a..."

"I do have a boyfriend Cloud." putol ko sa sinasabi niya.

Muli kong tinitigan si Louie. He's also staring at me. Yung mga mata niya, parang nagtataka ito. Isang nahihiyang ngiti ang pinakawalan ko, sabay hawak sa isa niyang kamay.

Hindi niyo ako masisisi. Parang milagro kasi itong sinasabi ko at pinanggagawa ko. Hindi ko kasi ugali to.

"How come that you have a..." nagpalipat-lipat ang tingin ni Cloud sa amin ni Louiege, after that nanlaki ang mga mata niya. "K-kayo?" O__o

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now