Chapter 31 She's My Girlfriend

1.3K 46 0
                                    

Chapter 31 She's My Girlfriend

 

***MICAH POV***

BAGO pumasok sa loob si Insan, may kinuha siya sa loob ng bulsa niya. Ewan ko ba kung ano. Basta, siguro hindi niya makita kaya naman sa kabilang panig naman. Pagkabunot niya nun may kung anong nahulog sa lupa. Hindi niya iyon napansin dahil abala siya sa kakatingin sa susing hawak niya.

Pumasok na siya loob. Kinuha ko naman ang bagay na nahulog niya. Nakaramdam ako ng labis-labis na panlalamig sa katawan, maliban don kinabahan ako ng sobra.

Ang bagay na nahulog niya. Ito ang larawan namin ng mga bata pa kami. Ang mga sandaling namasyal kami sa beach.

"Paano napunta ito dito?" O__o

Teka...

O__O

Kanina... bago nasundan ni Insan si Louiege, yumuko siya sa mismong harap ng pinto. Parang may pinulot siya!

Ikinurap ko ng ilang beses ang mga mata.

Posible kaya na...

Napahigit ang pagkakahawak ko sa picture. May inis na namuo sa dibdib ko habang tinutungo ang loob nitong retau. Ang mga nangyaring ito, sinadya ng Abnoy na yun.

Grrr! +__+

Pagkapasok ko, kitang-kita ko na kinawayan ako ni Analine kaso hindi ako nag-abalang lapitan sila. I have to see Louiege!

Nang may makita akong waiter hinila ko ang damit niya at niyugyog siya. "Nasaan na si Louiege Gosiaocu?!" +__+

"M-Maam?" Nahintatakutang sagot niya.

"Where the heck is your Boss?!" *Yugyog

"N-Nasa i-itaas po ma'am." O__o

Binitawan ko na siya. Tinungo ko na yung taas. Nang nasa itaas na ako halos mabaliw ako kung saan ko hahanapin ang Abnoy na yun. Ang daming pinto! >__<

"Naku naman!" eksaheradong inihilamos ko ang kamay sa mukha ko. "Ang tanga mo Micah!" napapadyak ako. Pake ko kung makita nila ang kamiserablehan ng buhay ko.

"Ma'am?"

Napalingon ako sa nagsalita. Familiar ang boses niya e. "Bakit?" kunot-noong tanong ko.

"Samahan na kita kay Louie." nakangiting sabi ng lalaki. Siya ang waiter kanina. Yung walang awa kong niyugyog. Baka pati utak niya nag-rambol, Louie na kasi ang tawag niya sa amo niya.

Pero, infairness. Gwapo din siya. Bakit kaya hindi ko napansin yun kanina? =__=

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon