Chapter 1 Accidental Kiss

5.9K 83 0
                                    

Chapter 1 Accidental Kiss

 

***SEVENTEEN YEARS OLD KEYN MICAH***

***MICAH POV***

"INSAN, may ipinakilalang lalaki si Cathy sa akin kahapon doon sa mall." Nakapangalumbabang wika ng pinsan kong si Krezyl Zane. Zyle for short. Ginugulo ng babaeng ito ang pananahimik ko.

"Tapos?" walang-lingong-likod na tanong ko.

"Aish, wala lang." >__<

Kagaya niya nagpakawala din ako ng isang buntong-hininga. Nahawa yata ako sa babaeng ito. Itinigil ko ang pagtipa sa keyboard nitong computer at hinarap siya.

"May problema ba?" =__=

"Wala." Aniya, pilit na ngumiti.

"Wala kang problema pero ang lalim ng buntong-hininga mo? May pinaghuhugutan?" =__=

"Wala." Kaila niya, sabay iwas ng tingin.

"Duda ako sa iyo." =__=

Nagkakaganito lang ang babaeng ito oras na may dinaramdam siya. I know her, magpinsan kaya kaming dalawa! =__=

"Micah naman e!" angal niya.

I shrug my shoulders. Total, sinabi niyang wala, e di wala. Madali akong kausap kaya naman tinalikuran ko na lang siya at binalikan ang pagpindot sa keyboard.

Aish! =__=

Bago ko nga pala makalimutan, gumagawa ako ng research paper. Ang kasama ko ditong nakahilata sa mismong likuran ko, ay ang partner ko sa project na ito.

Baka abutin kami ng ilang daang taon oras na hintayin ko pa siyang kumilos para gawin ang research paper naming dalawa.

Tamad siya! As in super tamad! =__=

"Ano ba ang ipinunta mo dito? Buti sana kung tutulong ka sa akin kaso hindi ka naman maaasahan pagdating dito." =__=

O kitams!

"Wala." >__<

"Umuwi ka na lang sa inyo para naman makapag-concentrate ako sa ginagawa kong ito. Oras na bumagsak tayong dalawa isusumbong kita sa teacher natin!" =__=

*SILENCE*

Kahit hindi ko siya lingunin batid kong nasa likuran ko parin siya, tahimik na nakamukmok. Sa gilid nitong mga mata ko, pinasadaan ko siya ng tingin.

Kumunot ng husto itong noo ko matapos kong makita ang mukha niya. Napakalungkot nun.

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ