Chapter 16 Inside The Closet

1.1K 53 0
                                    

Chapter 16 Inside The Closet

 

***MICAH POV***

WALANG tigil sa pagpatak nitong pawis ko. As in non-stop! Hindi pa ako ready! Oo nga't may pagtingin narin yata ako sa kanya pero... wala pa akong balak na magpagahasa sa lalaking ito!

Over my beautiful and gorgeous body! >O<

"Mahal..." he's darn serious.

"B-bakit?" *gulp*

Binundol ng labis-labis na kaba itong puso ko nang lumapit siya ng husto sa akin. Hinawakan niya bigla ang magkabilang balikat ko. On impulse, iniharang ko itong dalawang kamay sa dibdib niya.

Ang tigas! >///<

"A-ano?" >////<

Ay, grabi naman ito! Sobra akong naiinitan plus nakakapanginig sa tuhod! Sobrang kinulang na ba ako sa calcium? O tawag lang ito ng gutom? >/////<

"Kailangan nating..." aniya, sobrang seryoso ng mga mata.

Oh common, yayayain na niya yata akong gumawa ng milagro!?! Ayoko pa! OMG! ("(>O<)")

"T-teka... h-hindi pa ako handa!" >///<

"What?" kunot-noo niyang tanong.

Argh! Paano ko ba sasabihin ito? >///<

"H-huwag nating gawin ngayon! H-hindi pa ako ready sa ganun... G-gusto ko na maiharap ng malinis sa... Hoy dahan-dahan lang!" Namumulang angal ko.

Bigla kasi akong hinila ng Abnoy na ito sa kung saan. Sa isang sobrang dilim at napakasikip na.... na...

O__o

My eyes widened. Ang lugar na ito... ito yung lugar na pinakaayaw ko sa lahat.

Amputiks naman! Nakakahilo! >////<

"L-Louie! Anong ginagawa natin dito?!" natatarantang angal ko, kaso tinakpan niya yung bibig ko ng isa niyang kamay.

"Keep quiet Mahal..." mahinang bulong niya.

I don't like this place! Kung may lugar man ako na ayaw puntahan, ito na yun. Ang loob ng Aparador!

Ahhhhhhhh! >____<

"Ayoko dito!" nagpilit akong lumabas kaso hinuli niya ako pabalik.

"We can't get out. Mahuhuli tayo ng mga pinsan natin." >__<

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Where stories live. Discover now