Chapter 44 Her Confession

1.2K 44 0
                                    

Chapter 44 Her Confession


***2AM***

***MICAH POV***

"UWAAAAAAAAH! Louie, ano na ang gagawin natin? Wala talaga si Insan!" natatarang sabi ko habang sinasapo ang mukha ko. Gusto kong maglumpisay sa sobra-sobrang pagkakataranta! Si Insan, natakasan niya ako. Paano na lang kung may mangyaring masama don! Huhu, magiging kasalanan ko pa! T__T


"Calm down love." aniya hinuli ang magkabilang balikat ko. "We will find her."


"Kanina pa tayo naghahanap!" I look at the wall clock. "Two am na." Mas lalo akong nanghina.


Muntikan na akong matumba, buti na lang ang bilis sumalo ni Louie. "Magpahinga ka na muna Mahal."


"Si Insan Louei!" Naluluhang angal ko. "Ayoko ng masisi sa pagkawala niya." T__T


Dati kasi nakatikim ako ng bonggang-bonggang paninisi mula kay Kelvin, at hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan! >__<


"Mahahanap din natin siya..." He cupped my face. "So please stop worrying."


Hindi ko na napigil ang sarili, napayakap na ako sa kanya. Buti na lang hindi niya ako iniwan. Siguro sa susunod pa pero yung ngayon iba.


Ano na ang gagawin ko? Paano na? Baka ako itong mapatay ni Kelvin! T__T


Napabitaw ako nang hindi oras kay Louie nang may kung ano akong ilaw na nakita. Parang flash ng camera. Takang hinanap iyon. Napanganga ako ng husto matapos kong makita ang mga nilalang na nakatayo sa pinto. May dalawang babae ron at sobrang magkamukha. Yung isa may hawak na camera samantalang ang isa ay nakikitingin don.


It's the Llanes twin sisters. Jhude and Jheff!


"Panget yung kuha mo Jheff, dapat ginandahan mo naman, yung kitang-kita ang mukha ni Micah." angal ni Jhude.


"Nakakahiya namang sabihan si Micah na... Oy pakita mo naman ang face mo kasi hindi kuha sa camera. Syempre magtatago siya ng husto. Ang bopols mo Jhude." angil ni Jheff.


"Maganda naman." =__=


"Forget mo? Iisang mukha lang tayo?!" =__=


Nagtagisan ang dalawa ng nagpapatayang tingin. Naaliw ako sa kakapanood. Speechless ako, superb! O__o


Naikurap ko ang mga mata, kasi naman bigla na lang sumulpot don si Louie tapos inagaw niya ang camera kay Jhude. Ang bilis a! Amazing! O__o


"Hoy ! Ibalik mo yan!" pilit na hinablot si Jheff ng cam.


"Yah, give it back." nakihablot si Jhude.


Ako speechless parin. Ano ba ang kaabnbormalan ito?! At bakit nandito ang kambal? O__o

BLS#5: His Love, Her Alibis(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon