CHAPTER 21

171 6 1
                                    

CHAPTER 21.

Third Person's POV.

Abala si Scarlet sa pagsusulat sa papel habang hindi naman niya napapansin o nararamdaman ang panganib. Isang nakakapatay na tingin ang iginawad ni Mr. Ebina sa kaniya at hindi man lang niya ito naramdaman. Pagkatapos ay sinulyapan niya rin si Hanzo na abala rin sa paglalaro sa kabilang sofa na nasa sulok.

Nilibot niya ang kaniyang tingin at sinisiguradong walang ibang tao dito sa sala. At nang masigurado niyang walang ibang tao maliban sa kanilang tatlo ay saka na niya gagawin ang bagay na matagal na niyang inaasam.

Dahan-dahan siyang tumayo na hindi napapansin ni Scarlet. At dahil nasa likuran lamang ni Scarlet ang bata ay inunahan niya ang bata na nakatalikod rin sa kanila habang naglalaro. May dinukot siya sa bulsa niya at isa itong puting panyo na may amoy na pampatulog.

Nang makalapit siya sa bata ay mabilis niyang tinakip sa bibig at ilong ang panyo kaya mabilis agad itong nawalan nang malay na hindi agad nakakapagpumiglas. Nang masiguro niyang wala nang malay ang bata ay saka naman niya nilapitan ang nakatalikod na si Scarlet na walang kamalay-malay sa pangyayari.

At nang makalapit siya sa likod ni Scarlet ay saka lang nito naramdaman ang kaniyang prisensiya sa likuran.

"Mr. Ebina----"

Mabilis siyang nawalan ng malay dahil sa paghampas ni Mr. Ebina sa kaniyang batok gamit ang baril. Natahimik ang buong sala. May dinukot siya sa kaniyang likuran at isa itong silencer para sa baril niya. Nakarinig siya ng yapak paparating sa sala kaya agad siyang humarap sa daan na patungo sa kusina.

Nasilayan niya ang isang katulong na naglalakad kaya agad niyang tinutok ang baril sa katulong. Nang makarating ang katulong ay nagulat siya sa kaniyang nadatnan. Hindi pa man siya nakakapagsalita nang dumeretso sa ulo niya ang bala.

Mabilis naman na kumalat ang dugo sa sahig. Walang awa ang makikita sa mga mata ni Mr. Ebina kundi blangko lamang.

"Madam?"

Agad siyang humarap sa pintuan ng mansion at mabilis na binaril ang bantay na kakapasok lamang. Bumulagta agad sa sahig ang katawan ng bantay at kumalat ang dugo. Nang masiguro niyang wala nang ibang tao ay saka niya lang pinas-an sa balikat niya si Scarlet at binitbit ang batang si Hanzo.

Dumaan siya sa likod ng mansion at ang mga tao na kaniyang nakakasalubong ay binabaril niya sa ulo. Nang makalabas siya sa likod ng mansion ay dumaan naman siya sa secret passage na nasa pader. Tahimik lamang siya na naglalakad dala-dala ang mag-ina.

Mabilis siyang nakaalis doon at nakasakay agad sa sasakyan na nakahanda na sa likod.

Sakto din sa pag-alis nila ay saka din ang pagdating nina Martin at ng kaniyang mga kaibigan. Nang makapasok sina Martin sa loob ng gate ay sumalubong sa kanila ang napakatahimik na paligid at walang katao-tao sa labas.

Nagsimulang kumabog ang dibdib ni Martin sa kaba at tumakbo papasok ng mansion.

"Search everywhere!", Dinig niyang utos ni Taylor sa mga men in black.

Nang nakapasok siya sa loob ay napahinto siya sa bumungad sa kaniya. Nakabulagta ang katawan ng katulong at nang bantay habang nakakalat ang dugo nito sa sahig.

"Scarlet?!"

Dumeretso siya sa itaas at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng kaniyang fiance at ng bata.

"Scarlet Wife! Hanzo baby?!", Tawag niya sa kaniyang mag-ina at inisa-isang binuksan ang bawat silid.

Wala siyang narinig na sumagot kaya mas lalo siyang kinabahan. Napakuyom ang kaniyang kamao nang mapagtantong kinuha ito ni Mr. Ebina.

My Ex Is My BossOù les histoires vivent. Découvrez maintenant