CHAPTER 8

248 6 0
                                    

CHAPTER 8.

Scarlet's POV.

Nagising ako bandang alas 4 ng madaling araw dahil sa panunuyo ng aking lalamunan. Dahan-dahan akong bumangon at naglakad palabas ng silid. Tahimik ang aking mga yapak upang hindi magising yung mga tao dito sa bahay. Bumaba na ako ng hagdanan at dumeretso sa kusina. At nang makapasok ako sa kusina ay tumungo na ako sa ref at kinuha ang pitsel at nagsalin sa baso.

Napapikit ako matapos uminom at bumuntong hininga. Lumapit ako sa stool at nilapag sa ibabaw ng mesa ang baso at pitsel bago umupo. Napahawak ako sa aking ulo at napahilamos. Tahimik ang paligid nang bigla ko na lamang naalala yung sinabi ng aking anak kagabi.

Imposible naman na siya yun diba? Naniniwala ako na nasa US siya ngayon kasama si Lia, harap-harapan pa nga niya akong niloko kaya ano pa ang dahilan ang pagbalik niya dito? Hindi naman niya siguro kami guguluhin diba? Masaya na kami ng anak ko. At kung bumalik man siya dito upang malaman kung may anak ba kami? Sa usapan na yan ay kakalabanin ko siya. Wala na akong pakealam kung mapano ako, lalaban ako upang hindi niya makuha sa akin ang anak ko.

Oo sabihin na natin na siya yung Ama, pero kung maayos siyang lalake dapat hindi niya ako lolokohin. Kung mahal niya ako hindi sana siya gagawa ng ikakasakit ng aking damdamin. Pero ginawa niya eh! Sinaktan niya ako pagkatapos ay umalis kasama yung EX niya, ni hindi man lang niya inalam kung magkakaanak ba kami dahil may nangyari sa amin bago nangyari yung hindi ko inaasahan.

Napabuntong hininga ako sa dami ng aking iniisip. Hindi dapat ako magpapaapekto. Kailangan kong maging matatag para sa anak ko.

Habang nag-muni-muni ako kay hindi sinasadya na mapatingin ako sa aking daliri kung saan nakalagay yung engagement ring. Bigla kong naalala yung eksena kung paano ko tinanggal at tinapon ang singsing sa kaniya. Nakaramdam naman ako ng panghihinayang dahil hindi natuloy yung kasal namin. Masaya siguro kami ngayon kung walang nangyaring hindi maganda.

Napailing muli ako. Kahit anong gawin ko hindi na magbabago at hindi na pwedeng ibalik yung nakaraan.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at binalik sa ref ang pitsel bago lumisan at nagtungo sa sala. Sabado pala ngayon at mamayang gabi dadating yung Boss namin. Muntik ko nang makalimutan kahit ano-ano nalang kasi ang iniisip ko.

Natigil ako nang may mahagilap ako na nakapatong sa mini table. Isang kulay pulang kahon na may ribbon sa ibabaw. Nagsalubong ang aking kilay, hindi ko man lang ito napansin kanina. Nilapitan ko ito at tinitigan ang palibot ng kahon kung may nakapangalan ba. Nang wala man lang akong nakitang pangalan ay naisipan ko itong buksan.

Napataas ang aking kilay nang bumungad sa akin ang puting polo. Hinalungkat ko pa at may black slacks may kasama na rin na black office coat.

"Kanino kaya to?", Bulong ko.

May nakita akong papel na nakasuksok sa polo kaya kinuha ko ito at binuklat. Ganoon nalang ang pag-awang ng aking labi nang mabasa ito.

From: Unknown

To: Ms. Scarlet Jane Ashburn

"Pinagloloko ba ako nito? Sino naman ang magbibigay sa akin ng ganito?", Bulong ko muli.

Muli kong sinulyapan ang laman ng kahon at tumingin muli sa papel.

"Karrie.", Tawag ko kay Karrie na kakababa lang ng hagdanan.

Humikab muna ito bago ako tinignan na may pagtatanong. Tinuro ko naman ang kahon na nasa ibabaw ng mini table.

"Ikaw ba bumili niyan?", Tanong ko.

My Ex Is My BossWhere stories live. Discover now