CHAPTER 7

256 7 0
                                    

CHAPTER 7.

Scarlet's POV.

Sumapit ang hapon na naghahalo-halong iniisip. Hindi ko pa rin maintindihan yung mga pinagsasabi ng apat kaninang umaga. Kahit naguguluhan nga ako ay pinatawad ko na lamang sila upang tumigil na. Pagkatapos non ay napagusapan na namin yung hindi na bubullyhin ang anak ko ng mga anak nila. Nagkaroon na kami ng kasunduan pagkatapos ng usapan ay umalis na agad ako doon at nag-paalam sa aking anak.

Hindi ko namalayan na 4:30 na pala, labasan na pala ngayon ng mga bata. Binalik ko na sa lalagyanan ang natapos ko nang punasan at pinuntahan si Manager sa kaniyang opisina. Nadatnan ko siyang nagaayos na rin ng kaniyang mga gamit.

"Magandang hapon Ms. Choi.", Bati ko dito.

Napalingon naman siya sa akin at ngumiti agad.

"Andiyan ka pala. Magandang hapon rin Ms. Ashburn. Uuwi kana?", Aniya.

"Magpapaalam na po kasi ako atsaka susunduin ko na rin yung anak ko.", Sabi ko.

"Oo nga noh labasan na pala ng mga bata. Oh siya sige. Kami na bahala ang tatapos dito. Mauna kana.", Aniya.

"Salamat po Ms. Choi.", Sabi ko.

Nginitian na lamang niya ako at tinanguan. Lumabas na ako at nagtungo sa counter. Kinuha ko na ang aking bag at jacket. Nag-paalam na rin ako sa aking mga katrabaho. Habang patungo ako sa parking lot ay hindi maiwasan na makaramdam na parang may nagmamasid sa akin. Huminto ako mula sa paglalakad at nilibot ang aking tingin, nag-kibit balikat na lamang ako nang mapagtantong abala ang mga tao sa kani-kanila.

Dumeretso na ako sa aking kotse at pumasok agad sa driver seat. Tinignan ko muna sandali ang aking wristwatch bago binuhay ang makina ng aking sasakyan. Pinaatras ko na ang aking kotse upang umalis sa pagkakapark pagkatapos ay pinatakbo na paalis. Kinuha ko ang aking cellphone na nasa aking bag habang hindi inaalis ang tingin sa daan. Pinatong ko ito sa aking harap at sumulyap-sulyap sa screen. Nakita kong may mensahe kaya itinabi ko muna ang aking kotse upang tingnan ang mensahe.

Unknown number. Napakunot-noo ako nang hindi man lang pamilyar sa akin ang numero na ito.

From Unknown:
- The kid is still inside the school, I didn't let him go out of the gate.

Napataas ang aking kilay nang mabasa ang mensahe. Sino ba to? Baka si Kate or Karrie nakiki-text. Pero grabe naman ang mga g*ga yun hindi naman nila tinatawag na KID ang anak ko. Napanguso na lamang ako at binaba na ang cellphone at saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Nakarating na ako sa school ng aking anak. Pinark ko na ang kotse sa tabi at lumabas upang puntahan ang aking anak na nasa loob. Hinanap ko agad si Hanzo nang makapasok ako sa gate at hanggang sa nakarating ako sa plaza. Napangiti ako nang makita ang aking anak na nakaupo doon at may.....kausap. Nakatalikod sa aking ang tao kaya hindi ko makita ang mukha nito pero parang pamilyar ang likod nito.

"Mommy!"

Gumuhit agad ang ngiti sa aking labi nang tawagin ako ng aking anak. Umalis siya sa pagkakaupo at patakbong lumapit sa akin. Lumuhod agad ako upang pantayan siya. Isang mahigpit na yakap ang aking natanggap nang makalapit sa akin ang aking anak.

"How's school honey?", Tanong ko agad dito.

"This day is very weird Mommy. Those bullies didn't bully me. They start makes friends with me po. They didn't hurt me po.", Sabi niya.

Naalala ko yung mga magulang kanina. So totoo talaga na hindi na nila hahayaan na mambully yung anak nila.

"And Mommy, there's a guy that became my friend since afternoon. He is very nice Mommy.", Aniya.

My Ex Is My BossWhere stories live. Discover now