CHAPTER 19

227 7 2
                                    

CHAPTER 19.

Third Person's POV.

"Yes. It wasn't."

Napaawang ang labi ni Scarlet nang marinig iyon kay Martin. Dahan-dahan siyang lumapit kay Martin at hinawakan ang kuhelyo ng damit niya. Tinitigan niya sa mga mata si Martin at naghahalo-halo lamang ang expression na makikita niya sa mga mata nito.

"S-sino....S-sino a-ang gumawa n-non sa a-anak k-ko?", Nanginginig niyang tanong dito.

Nanggagalaiti ang kaniyang nararamdaman ngayon. Gusto siyang mag-wala sa oras nato at sugurin ang kung sinong taong iyon at wasakin ang pagmumukha.

Dahan-dahan naman na hinawakan ni Martin ang dalawang kamay niya upang pakalmahin ito.

"Wife. Calm down. We already found the person who almost killed our son. The only thing we want right now? Is he need to confess of what he did.", Mahinahon niyang sabi dito.
"I am also mad too just like you. But I need to calm and wait for his confession."

Sunod-sunod na ginhawa ang ginawa ni Scarlet na tila ay sinusubukan niyang pigilan ang kaniyang galit. Napansin na lamang niya na niyayakap na siya ni Martin habang hinahagod ang likuran nito.

Unti-unti namumuo ang luha ni Scarlet sa kaniyang mga mata at nagsimula nang humagulhol. Naghahalo-halo ang kaniyang nararamdaman ngayon at hindi na niya alam ang kung ano ang dapat niyang gawin sa oras nato.

"Mga h*yup sila!!! Dapat silang makulong!!!", Sigaw niya sa galit.

Hinigpitan ni Martin ang pagkakayakap sa kaniya upang hindi ito makawala at baka magsimula itong magwawala sa galit. Tanging ang iyak lamang ni Scarlet ang kaniyang naririnig at masakit ito sa kaniyang dibdib.

"Ssshhh.....", Pagpapatahan niya ito.

Dalawag minutong umiiyak si Scarlet at kalaunan din naman ay kumalma na ito. Nanatili pa siyang nasa bisig ni Martin at hinahagod ang likod nito para mas lalo pa siyang kumalma.

"Hush now, Wife. Our son might see you.", Mahinang sambit ni Martin dito.

Dahan-dahan naman na nagpunas si Scarlet sa luha niya. Maya-maya pa ay nakarinig sila ng maliliit na yapak papaakyat ng hagdanan. Agad naman inayos ni Scarlet ang kaniyang sarili nang napagtanto niya na si Hanzo ito.

"Mommy? Daddy?", Rinig nilang tumatawag ito.

Nilingon nila si Hanzo na kakarating lang dito sa itaas. Nakanguso ito habang nakatingin sa kanila at naglalakad papalapit.

"Why you took so long?", Nakanguso nitong tanong habang nakatingala sa kanila.

"I'm sorry baby. Your Mom is so much slow.", Tugon ng Ama nito.

"Sorry honey. Let's go now.", Ani ni Scarlet at hinawakan na ang kamay ni Hanzo.

Nagsimula na silang maglakad patungo sa ibaba.

At habang naglalakad si Scarlet ay hindi naman niya maiwasan na mapaisip ang kaniyang nalaman ngayon. Nalaman niyang hindi aksidente ang nangyari kundi sinadya na banggain ang bata na napaka-inosente.

Walang kasalanan ang bata at wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid. Gusto lamang nito na sumaya kasama ang kaniyang mga magulang.

Sa kaloob-looban naman niya ay atat na atat siyang malaman kung sino ang taong ito.

Nilingon niya si Martin at sakto din na tumingin rin siya dito kaya nagtama ang kanilang mga mata. Isang ngiti ang iginawad ni Scarlet dito bago naunang maglakad at dumeretso sa kotse. Napahinto sandali si Martin sa paglalakad at nagpakawala ng isang ngiti habang nakatingin sa mag-ina niya.

My Ex Is My BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora