CHAPTER 11

242 7 0
                                    

CHAPTER 11.

Scarlet's POV.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa suit na nasa aking harapan sa ibabaw ng mesa. Ito daw ang susuotin ko ngayon para sa pag-welcome ng Boss namin na dadating. Buti naman at formal attire yung susuotin namin.

Tinignan ko yung oras at alas 5 na ng hapon. Alas 7 ang dating ng Boss namin or should I say ang mayari ng aking tinatrabahuan. Tumayo na ako upang maghanda na. Madali lang naman ang paghahanda at hindi ko na kailangan mag-ayos pa dahil natural naman ang ayos ko. Hindi ko na kailangan pa mag-inarte.

Nagbabad muna ako sa bathtub bago nagtungo sa ilalim ng shower.  Hinayaan ko muna ang aking sarili na maligo sa ilalim ng shower. Habang nakatayo ay bigla nalang sumagi sa isipan ko ang nangyari 5 years ago.

Inaamin kong masakit pa rin yung ginawa niyang pagkakamali kahit sobrang tagal na. Pero mas nangingibabaw pa rin sa akin ang galit. Galit ako sa kanilang dalawa, ang kakapal talaga nila. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba siya. Kung para sa anak ko, sige....patatawarin ko siya....para kay Hanzo. Pero kung para sa akin.....hindi ko alam.

Humugot ako ng hangin at bumuga bago tinapos ang aking pagligo.

Lumabas na ako ng bathroom suot-suot ang bathrobe. Lumapit ako sa aking higaan at umupo upang magpatuyo ng aking buhok. Habang nagpapatuyo ako ay napalingon ako sa aking cellphone nang umilaw ito at kasabay din ang pagtunog.

Binaba ko muna ang towel at inabot ang aking cellphone upang tingnan kung anong notification ito. Isang mensahe galing kay Manager.

Message From Manager:
-Good pm Ms. Ashburn. Sorry for  disturbing you but I want you to come here early. I need your help to keep the papers in Mr. Ebina's office. He is absent and he can't attend tonight, he is having high fever and he need to rest.

Napabuntong hininga ako matapos mabasa ang mensahe galing kay Manager. Mukhang kailangan ko talaga magmadali habang alas 6 pa. Mamayang 7 o'clock pa naman ang dating ng aming Boss. At ang mga papel na ito ay ang ibibigay namin sa aming Boss, mga proof iyon kung paano napalago ang restaurant habang wala ang mayari.

Mr. Ebina should be the one to give those papers to our Boss, kaya nga lang ay nagka-problema.

Ilang minuto pa ay natapos na akong mag-bihis. Hindi na ako nag-abala pa na maglagay ng kahit anong kolorete sa aking mukha. Natural beauty is better than putting something on your face. Nakatali din ang buhok ko na hanggang lagpas balikat. Bago ako lumabas ay humarap muna ako sa full-bodied mirror upang tingnan ang sarili.

Napapatango ako.

"Not bad.", Sabi ko at inayos ang coat ko na nagusot ng kunti.

Binitbit ko na ang aking bag at naglakad na palabas ng kwarto. Bumaba na ako at nadatnan ko ang aking anak kasama ang dalawa na naglalaro sa sala. Napatigil lamang sila nang makita akong pababa ng hagdan.

"Mommy where are you going po?", Inosenteng tanong ng aking anak.

Ngumiti ako at lumapit sa kaniya at hinalikan ang noo nito.

"Mommy has something to do honey. Mommy's Boss will come tonight.", Sabi ko.

"Really?! Can I come?", Aniya at pinagkislop ang kaniyang mga daliri.

"Uhm....", I kneeled down and tap his shoulders.
"I'm sorry, honey. But I can't bring you there with me. Our Boss might strict or what.", Sagot ko na ikinanguso nito.

"Uuwi rin naman agad si Mommy mo.", Sambit ni Kate at ginulo ang buhok ng anak ko.

"Okay po! Take care Mommy!", Aniya at hinalikan ako sa pisnge.

My Ex Is My BossWhere stories live. Discover now