CHAPTER 2

309 7 0
                                    

CHAPTER 2.

Scarlet's POV.

Galing ako sa labas bumili ng PT. Kailangan ko lang talaga na masiguro kung buntis ba talaga ako. Dahil kung hindi baka may sintomas ako at pupunta agad ako sa hospital upang magpa-check up.

Hindi ko muna pinuntahan si Martin sa opisina niya kahit kanina pagdating ko ay hindi ko siya pinuntahan baka ma-istorbo ko siya. Dumeretso na ako sa Women's Restroom at saktong pagpasok ko ay walang katao-tao. Okay na rin para naman makapag-isip ako ng maayos.

Pumasok ako sa isang cubicle at umupo muna sa bowl na may takip pa. Kinuha ko ang PT na nasa aking bag at binasa ang instructions na nasa cartoon nito. Matapos kong basahin ay binuksan ko na ang cartoon at nilabas ang PT.

Napatitig ako sa kawalan at napapikit sabay buntong hininga. Kinakabahan ako sa gagawin ko pero kailangan ko talaga na malaman kung totoo ba na buntis ako.

Sa huli ay ginawa ko rin ang kailangan kong gawin. Nang matapos ako sa loob ng cubicle ay lumabas na ako at pinatong ang aking bag sa sink at PT. Nag-hugas muna ako ng aking kamay habang nag-hihintay sa magiging resulta.

Nag-muni-muni muna ako at patingin-tingin din sa relo ko. Nang matapos ang minuto na aking hinihintay ay kinakabahan akong tumingin sa PT.

Dahan-dahan akong napahawak sa aking dibdib nang masilayan ang dalawang guhit. Napangiti ako at napapikit.

"I-I'm p-pregnant.", I said.

"M-magiging M-mommy na a-ako."

Naramdaman ko ang pamumuo ng aking luha sa sobrang saya.

Kailangan malaman 'to ni Martin. Kinuha ko ang aking cellphone na nasa bag upang tawagan siya. Pero nagtataka ako kung bakit wala man lang mensahe galing sa kaniya mula pa kaninang umaga paggising ko. Dinial ko na lamang ang kaniyang numero at tinapat sa aking tenga ang cellphone habang binabalik ang PT sa cartoon nito.

Rinig ko ang paulit-ulit na ring sa kabilang linya. Hanggang sa nakalabas ako ng restroom ay ring pa rin ng ring. Busy ba siya?

Balak ko sana na ngayon ko sasabihin sa kaniya na buntis ako. Ang kaso.....baka busy siya.

Napatigil ako sa paglalakad at napabuntong hininga. Binaba ko ang cellphone at pinatay na lamang ang tawag. Tila ay nawalan ako ng gana habang iniisip na hindi ko masabi sa kaniya dahil sa sobrang busy niya.

Bumalik na lamang ako sa aking opisina upang magpatuloy sa aking trabaho. Habang papalapit ako sa aking opisina ay nasilayan ko ang bulto ng tao na nakatayo sa tapat ng pinto ng aking opisina. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto na ang Male Secretary ito ni Martin.

Agad akong lumapit sa kaniya.

"Mr. Secretary, kanina ka pa ba?", Pagkuha ko sa kaniyang atensiyon.

Napaharap naman siya sa akin ng maayos.

"Andiyan pala kayo Ma'am. Heto po. Pinadala ni Boss sa inyo para sa lunch niyo po.", Aniya at nilahad ang paper bag.

Tinanggap ko naman ito at tinignan ang laman. Mabilis kong nilayo sa akin at nilahad pabalik ang paper bag sa kaniya nang maamoy kong mabaho ito para sa akin.

"B-bakit po Ma'am?", Taka at gulat niyang tanong.

"U-uhm.... P-pasensiya na. Hindi ko kasi nagustuhan ang amoy ng pagkain.", Sagot ko.

"Po? Pero favorite niyo po yan sabi ni Boss.", Aniya.

Oo nga pala. Favorite ko pala ang sushis. Pero bakit parang hindi ko nagustuhan ang amoy? Favorite ko to eh! Dapat magustuhan ko ito!

My Ex Is My BossWhere stories live. Discover now