CHAPTER 18

200 7 0
                                    

CHAPTER 18.

Third Person's POV.

Dinig na dinig ni Scarlet ang ingay ng kaniyang mag-ama na nagmumula sa sala. Hindi naman niya maiwasan na mapatawa sa tuwing naririnig niya ang malakas na tili ni Hanzo sa tuwing hahabulin ito ng Ama.

Nasa kusina siya ngayon nagluluto, dapat sana ay ang mga katulong dapat ang magluluto pero siya na mismo ang nag-prisenta. Alam niya kasi ang paboritong pagkain ni Hanzo.

Habang naglalagay siya ng menudo sa malaking bowl ay nakarinig siya ng yapak na patungo sa kusina. Bumungad sa kaniya si Hanzo na malaki ang ngisi at pinagpapawisan rin ito gawa sa kakalaro.

"Are you already tired honey?", Malambing niyang tanong dito.

Sunod-sunod na iling ang ginawa nito.

"No Mommy. I just want to drink water po. Daddy is talking on her phone.", Sabi nito.

Nagtungo naman si Scarlet sa ref at kumuha ng water bottle upang ibigay kay Hanzo. Inabot naman niya ang face towel na nasa upuan nakasampay at pinunas sa mukha ng bata at likod nito.

"You're sweating. Go upstairs and change your shirt.", Sabi nito na agad naman sinunod ng bata.

Nang mag-isa na lamang si Scarlet sa kusina ay saka na niya tinapos ang kaniyang ginagawa bago tinungo ang dining. Isa-isa niyang nilapag sa mesa ang mga bowl na may laman na klase-klaseng ulam.

Nang matapos siya ay nagtungo na siya sa sala upang tawagin ang dalawa. Hindi niya nakita si Martin sa sala kaya dumeretso siya sa likod ng mansion. Nang makarating siya sa likod ay natanaw niya si Martin sa nakatayo sa tabi ng pool. May kausap ito sa cellphone at parang importante kaya hindi na muna niya ito tinawag at naglakad na lamang palapit kay Martin na nakatalikod.

Dinig na dinig niya ang tono nito na sobrang seryoso at may halong panggigigil. Curious na curious naman si Scarlet kung ano ang pinaguusapan nito.

"Find that person! Right now!"

"I don't want 'Next day' or 'Try'. I want you to do it right now!"

Huminto si Scarlet sa di kalayuan kay Martin at napabuntong hininga. Hindi niya alam kung tungkol saan ang pinaguusapan nina Martin pero sa tingin niya ay napaka-importante nito. Baka naman tungkol lang sa business.

"Okay. Report to me immediately."

Natapos na ang usapan nito kaya binaba na ang kaniyang cellphone at bumuntong hininga. Naramdaman niya na ang prisensiya ni Scarlet na nasa kaniyang likuran kaya pumihit siya paharap. Agad siyang ngumiti dito ngunit isang irap ang kaniyang natanggap na ikinatawa niya ng mahina.

"Nagsusungit ka na naman.", Sabi nito.

"Kakain na.", Sambit ni Scarlet at inirapan muna siya bago tumalikod.

Narinig niya ang mahinang tawa nito at naramdaman ang pagsunod.

"Akala ko ba bati na tayo?", Natatawang tanong ni Martin habang nakasunod.

"At sinong nagsabi na bati na tayo?", Taas kilay naman na tanong pabalik ni Scarlet dito.

Napahalakhak si Martin dahil sa kasungitan nito. Iniisip niyang tinotoyo na naman ito.

"Tinotoyo ka na naman ba? What do you want, Wife? Or what do you want to eat? Or what do you want me to buy for you?", Sunod-sunod nitong tanong.

Hindi sumagot si Scarlet at pinag-ekis lamang niya ang kaniyang braso sa kaniyang dibdib at binilisan ang lakad. Napailing si Martin at natawa sa inaakto nito.

My Ex Is My BossWhere stories live. Discover now