CHAPTER 16

234 6 0
                                    

CHAPTER 16.

Third Person's POV.

Nang makalapit si Scarlet sa batang nakahandusay ay agad niya itong niyakap at niyugyog.

"Hanzo baby?! Hanzo! No. No. No. Please....", Umiiyak niyang sambit habang nakayakap sa katawan nitong duguan.

"CALL AN AMBULANCE RIGHT NOW!!!!", Nanggagalaiting sigaw ni Martin sa mga taong nakatingin sa kanila.

Dahil sa takot ng mga tao ay isa-isa silang nagsilabasan ng cellphone at tumawag ng ambulance. Lumapit naman si Martin kay Scarlet at tinignan ang kaniyang anak na walang malay.

"No. No. No. No son. Come on. Don't die okay? We will save you.", Sambit niya.

Dumating naman agad ang ambulance at agad nilang ikinarga ang bata sa loob kasama sina Martin at Scarlet. Habang nagbibiyahe naman ay hindi maiwasan ni Martin na magalit sa driver.

"FASTER!! MY SON IS IN CRITICAL CONDITION F*CKER!!", Galit niyang sigaw sa Driver na nataranta naman agad at mas lalo pang binilisan ang pagmamaneho.

Nang makarating sila sa hospital ay agad dinala sa ER ang bata. Akmang papasok na sila sa loob ng ER nang pinigilan sila ng lalakeng nurse.

"Sorry Ma'am and Sir. Dito lang po kayo.", Sabi niya.

Walang magawa ang dalawa at maghintay sa labas. Akmang papasok na ang natatarantang doctor sa loob ng ER nang pigilan siya ni Martin at nagulat nang hinila nito ang kaniyang kuhelyo.

"Save my son. Or I will fire you all.", Madiin niyang sambit na ikinatango naman nito ng mabilis sa takot.

Binitawan na niya ang Doctor at lumapit kay Scarlet na walang tigil sa pag-iyak. Umupo siya sa tabi nito at niyakap habang pinapatahan.

"Sshhh....Our son will be save. He will live with us.", Sabi niya.

"This is all my fault. Naging pabaya ako sa kaniya sa oras nato.", Paninisi ni Scarlet sa kaniyang sarili.

Agad siyang pinaharap ni Martin sa kaniya at hinawakan ang magkabila nitong pisnge.

"No. It's not. It's not your fault, Wife. Don't blame yourself.", Sabi niya.

Hinalikan niya ang noo nito at muling niyakap. Nangingibabaw ang hagulhol ni Scarlet at paulit-ulit na nagdadasal sa kaniyang isipan na sana ay mailigtas ang kaniyang anak.

Nasa ganoon silang posisyon nang lumabas na ang Doctor kaya mabilis na napatayo silang dalawa. Hindi naman nakaligtas sa paningin ng Doctor ang masamang tingin ni Martin sa kaniya.

"Doc, kumusta yung anak ko?", Tanong niya agad habang humihikbi pa rin.

"Don't worry, your child is now fine. But he's still unconscious, hihintayin nalang natin na magising siya within 1-2 days.", Mahinahon na sagot ng Doctor.

"Mabuti nalang at hindi naaapektuhan ang kaniyang ulo galos lamang ang kaniyang nakuha.", Dagdag pa niya.

Napapikit si Scarlet at pinagkislop ang kaniyang mga daliri. Nagpaalam na ang Doctor na umalis na kaya napatango nalamang silang dalawa. Napayakap naman si Scarlet kay Martin na agad naman nitong sinalo.

"Shhhh....Stop crying now, Wife. Our son is now fine. Hihintayin nalang natin siya na magising, okay?", Pagpapatahan ni Martin dito.

Dahan-dahan naman na tumango si Scarlet. Napalingon silang dalawa sa pintuang ng ER nang bumukas ito. Lumabas ang dalawang Nurse na tulal-tulak ang stretcher habang nakahiga doon si Hanzo.

My Ex Is My BossWhere stories live. Discover now